Beks Friends na Sina Tonton, Orli at Kitty, Nakatanggap ng Regalong “Jacuzzi” Mula Kay Vice Ganda

Muling pinatunayan ng mga malalapit na kaibigan ni Vice Ganda, kung gaano mapagbigay ang Unkabogable star sa kanyang mga kaibigan.

Credit: Vice Ganda | Instagram

Sa panibagong vlog ng Beks Friends na sina Tonton, Orli at Kitty, ay dinayo ng magkakaibigan ang lumang tahanan ng It’s Showtime host na si Vice Ganda na matatagpuan sa Green Meadows. At ito nga ay upang kunin sa tahanan ng Unkabogable star ang ipinangako nitong Jaccuzi sa magkakaibigan.

Noon ngang nakaraang taon, ay nangako si Vice Ganda sa Beks Friends na bibigyan niya ang mga ito ng Jacuzzi, na siya ngang “Christmast gift” niya sa mga ito.
“Binigyan niya kami ng Christmas gift, ‘yun yung jacuzzi. Ngayon na naming siya kukunin”, ang naging sambit ni Orli.

Credit: Beks Friends | Youtube

Hindi nga lamang Jacuzzi ang ibinigay ni Vice Ganda sa tatlong magkakaibigan, dahil nang magtungo ang tatlo sa lumang bahay nito para kunin nga ang jacuzzi na ipinangako niya sa mga ito, ay hinayaan din niya sina Orli, Tonton, at Kitty na mamili pa ng mga gusto nilang kagamitan sa kanyang lumang bahay.

Todo naman ang naging pasasalamat ng Beks Friends sa mga ibinigay sa kanila ni Vice na jacuzzi at iba pa ngang kagamitan.

Samantala, maliban sa tatlong magkakaibigan na Beks Friends ay nagpasalamat rin ang Beks Batallion na si MC sa Unkabogable star para sa lahat ng mga kagamitan na ibinigay nito mula sa kanyang lumang bahay. Ayon nga sa naging mensahe ni MC, maliba n sa jacuzzi na ibinigay ni Vice, ay may iba pa tong binigay kagaya na lamang ng lampara.

Credit: Beks Friends | Youtube

“Vice, thank you thank you so much sa jacuzzi at sa lamparang binigay mo”, ang mensahe nga ng pasasalamat ni MC para sa Unkabogable star.

Ang Beks Friends ay binubuo nga ng tatlong magkakaibigan na sina Tonton, Orly at Kitty, at tulad nila ay binubuo din ng tatlong magkakaibigan ang Beks Battalion na kinabibilangan naman ni MC.
Mapapanood ang vlog na ito ng Beks Friends sa kanilang YouTube channel na ngayon nga ay mayroon ng mahigit 343,000 na mga subscribers.

Credit: Beks Friends | Youtube

Hindi naman na kataka-taka na ipamahagi ni Unkabogable star na si Vice Ganda sa kanyang mga kaibigang Beks ang mga kagamitan niya sa kanyang lumang bahay, dahil karamihan naman kasi sa mga ito ay hindi na niya dinala pa sa bago niyang tahanan. Sa bagong tahanan kasi ng sikat na komedyante ay halos lahat ng kanyang mga kagamitan ay mga bago na at moderno, at ito nga ay kanyang ipinakita sa pamamagitan ng isang house tour na kamakailan lamang ay ibihagi niya sa kanyang YouTube channel.

YouTube video player