Batang Babae sa Sultan Kudarat, Pinahanga ang Social Media Dahil sa Napakaganda nitong mga Mata at Itsura na Tila Pinaglihi sa Isang Barbie Doll

May mga ilang lugar sa Pilipinas ang hindi na halos maabot ng tulong dahil sa sobrang layo. At isa nga sa suliranin ng mga taong malayo sa kabihasnan, ay ang kanilang kalusugan. At dahil na rin sa kahirapan, ay hindi na nila magawa ang pumunta sa karatig na lugar upang magpatingin.

Dahil dito, ay dumarami ang kaso ng mga taong may karamdaman at may kakaibang anyo na hindi maabotan ng tulong. Katulad na lamang nga ng isang batang babae na mula sa Sultan Kudarat na pinag-uusapan ngayon sa social media dahil sa kanyang kakaibang anyo na umagaw sa atensyon ng mga netizens.




Sa isang post sa social media na ibinahagi ng nagngangalang Mark Chews ay makikita ang isang larawan ng batang babae na may kakaibang kulay ang mata. Ang batang babae na ito ay nagngangalang Jopye na nagmula sa Esperanza, Sultan Kudarat. Agad na umagaw ng atensiyon ang batang babae na may angking kagandahan ang mukha ngunit mapapansin ang kakaibang kulay ng mata kumpara sa ordinaryong mata ng mga bata. Ang kulay ng mata ng bata ay kulay asul at kung tititigang mabuti ay tila mata ito ng isang barbie doll.

Photo credits: Mark Chews | Facebook

Dahil dito, ay marami ang nagsasabi na ipinaglihi di umano si Jopye sa isang barbie doll. Ngunit, ay kakaibang kulay ng mata pala ng batang babae ay may kaakibat na karamdaman. Napag-alaman na may kakulangan sa pagsasalita si Jopye. Marahil ang dahilan rin ng kakaibang anyo ni Jopye ay ang kahirapan ng kanilang buhay.

Marahil ay nakaapekto kay Jopye ang kakulangan ng nutrisyon noong ipinagbubuntis pa lamang siya ng kanyang ina. At dahil nga sa kahirapan ng buhay at nakatira pa ang kanilang pamilya sa itaas ng bundok ay hindi na nagawang makapagpatingin pa sa doktor si Jopye.

Photo credits: Mark Chews | Facebook

Sa kabila naman ng kalagayan ni Jopye, ay matayog naman ang pangarap nito kung saan ay nais makapagtapos ng pag-aaral upang makaahon sa kahirapan at magkaroon ng magandang kinabukasan.




Naging daan nga si Mark para matulungan si Jopye at mabigyan ng pagkakataon na mabago ang takbo ng buhay ng kanilang pamilya. Dahil matapos ibahagi ni Mark ang larawan ni Jopye sa social media kung saan ay kumakatok siya sa puso ng bawat isa na tulungan ang munting bata, ay agad na dinagsa ng komento at marami ang naawa sa kalagayan ni Jopye. Maraming netizens rin ang humanga sa kanyang kagandahan at kakaibang kulay na mga mata.

Photo credits: Mark Chews | Facebook

May mga netizens nga na hindi nag-atubiling tumulong matapos maawa sa kalagayan ni Jopye. Nawa’y, dumami pa ang taong may mabuting puso na tumulong kay Jopye nang sagayon ay malaman kung ano talaga ang kanyang kondisyon lalo na nga’t hindi siya nakakapagsalita.

Sana rin ay dumami ang kagaya ni Mark na handang tumulong sa mga tulad ni Jopye. Ang kwentong ito ay magsilbing inspirasyon sana sa lahat na kahit nasa gitna ng unos ay magagawa paring magtulungan.