Connect with us

Entertainment

Ating silipin ang bahay-bakasyunan ng kapuso aktor na si Ruru Madrid

Lahat tayo nagtatrabaho ng mabuti para mabili natin ang mga gusto natin sa buhay. Nababale wala ang lahat ng pagod natin kapag nakita na natin ang naging resulta ng atin pinaghirapan.


Photo courtesy: Ruru Madrid | Instagram

Isa na sa nagpatunay nito ay ang kilalang artista ng GMA na si Jose Ezekiel Misa Madrid o mas kilala bilang si Ruru Madrid. Nakilala ang kaniyang husay sa pag-arte ng gampanan niya ang isang role na si Ybrahim/Ybarro sa teleserye ng GMA na pinamagatang Encantadia.


Photo courtesy: Ruru Madrid | Instagram

Bago siya naging aktor ay napabilang muna siya sa “Protégé: The Battle For The Big Artista Break”. Kaya naman dahil sa kaniyang husay at galing sa pag-arte ay maraming proyekto ang dumating sa kaniya. Dahil dito ay hindi na nakapagtataka na makapag-ipon at makabili siya ng mga ari-arian.


Photo courtesy: Ruru Madrid | Instagram

Isa na nga rito ang kaniyang bahay bakasyunan na matatagpuan sa Cogeo, Antipolo City na talaga namang nakakamangha dahil sa ganda nito.

Dahil sa ganda ng lugar at tanawin ay nanaisin mo rin na magkaroon at makapagpatayo ng sariling bahay sa nasabing lugar. Ipinakita niya ang kabuuan ng nasabing tahanan magmula sa labas hanggang ang loob nito.


Photo courtesy: Ruru Madrid | Instagram

Ang Façade ng nasabing bahay bakasyunan ay makikitaan mo ng mga nakatanim na mga matataas na puno na siyang nagdaragdag ng ganda at nagbibigay ng kaginhawaan dahil sa sariwang hangin. Ang kulay na dilaw ang mas nagingibaw na kulay ng nasabing tahanan at napapalibutan din ito ng mga Pine Trees.


Photo courtesy: Ruru Madrid | Instagram

Ang disenyo naman nito ay makikitaan mo ng “open terrace” at “steel railings” sa hagdan na nagsisilbing gabay at ang nasabing tiles na ipinalagay dito ay kanilang ipinasadya.


Photo courtesy: Ruru Madrid | Instagram

Sa living area naman ay iyong matatanaw ang mga larawan ni Ruru, mga natanggap na gantimpala, larawan ng kanilang pamilya at kung ano-ano pa. Makikita rin ang nakasabit na isang poster na isa sa kaniyang mga nagawang pelikula.


Photo courtesy: Ruru Madrid | Instagram

Ang silid-tulugan naman ay naaayun sa kagustuhan ng bawat miyembro ng pamilya. Atin ding matutunghayan na ang isa sa mga kwarto dito ay may pulang cabinet at puting kulay na pader.


Photo courtesy: Ruru Madrid | Instagram

Sa kanilang outdoor area naman ay hindi pwedeng mawala ang ihawan dahil ang kanilang pamilya ay mahilig sa inihaw na pagkain at ito ay may berdeng kulay na payong at tiles.

error: Content is protected !!