Andi Eigenmann, Ipinasilip ang Kanilang Masayang Bonding Moments sa Staycation Ng Kanilang Pamilya sa Bagong Villa na ito sa Isla ng Siargao

Isa sa nagbibigay ng kahulugan sa isang pamilya ay ang pagkakaroon ng masayang bonding moments. Kapag sama-sama at kompleto ang pamilya sa kanilang bonding moments, ay maituturing nga na isa itong precious moments.

May okasyon man o wala ay mahalaga na magkaroon ng bonding ang pamilya, upang mas makilala ang bawat isa, at may mabuong masayang alaala.

Kaya naman, ang pamilya ng dating aktres na isa nang vlogger ngayon na si Andi Eigemann at partner nitong si Philmar Alipayo, ay hindi pinalampas ang pagkakataon na magkaroon ng masayang bonding sa pagbabalik sa isla Siargao ng panganay ni Andi na si Ellie.

Photo credits: Happy Islanders | Youtube

Matagal na panahon ring nawalay si Ellie sa kanyang pamilya sa isla matapos magbakasyon sa Maynila upang makasama ang kanyang amang si Jake Ejercito. At ngayon nga, na kompleto na ang kanilang pamilya, ay nagkaroon ang buong pamilya ng staycation sa Villa Tulua, na matatagpuan sa isla ng Siargao.

Sa latest vlog ng kanilang pamilya na Happy Islander, ipinasilip ni Andi ang naging kaganapan sa masaya nilang bonding moments habang nasa beach.

“Every time Ellie comes home, she brings the sunshine. So were back in the ocean, we’re back in the beach swimming-swimming.”

Photo credits: Happy Islanders | Youtube

Photo credits: Happy Islanders | Youtube

Sa muling pagbabalik ni Ellie sa kanyang pamilya, ay tila hindi lamang ang isla ang kanyang namiss, dahil hindi maikakaila na namiss rin niyang makabonding ang kanyang dalawang nakakabatang kapatid na sina Lilo at Koa. Makikita na nga excited si Ellie sa bonding moments nilang magkakapatid.

Photo credits: Happy Islanders | Youtube

Espesyal rin ang staycation na ito ng pamilya ni Andi para sa milestone ng kanyang bunsong anak na si Baby Koa. Ibinahagi ni Andi na dito naganap ang first dip ni Baby Koa sa dagat at maging sa swimming pool na talaga namang enjoy na enjoy sa tubig.

Photo credits: Happy Islanders | Youtube

Photo credits: Happy Islanders | Youtube

Photo credits: Happy Islanders | Youtube

Ibinahagi rin ni Andi ang kanilang paboritong spot sa villa. At ito nga ang swimming pool kung saan sila sama-samang naligo na makikitang enjoy na enjoy ang mga bata habang naglalaro sa pool.

Photo credits: Happy Islanders | Youtube

Photo credits: Happy Islanders | Youtube

Makikita rin ang bonding moments ng mag-amang Philmar at Lilo habang binibilang ang mga puting apakang bato sa gilid ng swimming pool. Napuno nga ng saya at halakhak ng mga bata, lalo na ni Baby Lilo na talagang masayain ang kanilang staycation.

Photo credits: Happy Islanders | Youtube

Samantala, tila naman nagdadalaga na rin si Ellie dahil may sarili na itong silid na kanyang tutuluyan. Ayon kay Andi, ay susubukan muna ni Ellie na matulog ng mag-isa sa kanyang kwarto. Ngunit, sa huli ay sinabi ni Andi na hindi pa raw kaya ni Ellie ang humiwalay ng pagtulog mag-isa nang hindi siya katabi, dahil mula pagkabata ay katabi na siya nito sa pagtulog.

Our Summer Staycation!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *