Isang panandalian ngunit masayang bakasyon ang hatid ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga sa kanyang latest vlog na mapapanood sa kanyang YouTube channel.
Madalas nating mapanood sa mga vlog ni Alex ang masayang bonding ng kanyang pamilya sa iba’t ibang magagandang lugar sa kanilang bakasyon. Ngunit, sa unang pagkakataon, ay nasolo ni Alex at kanyang asawang si Mikee Morada ang isa’t isa para mag-enjoy at magrelaks sa kanilang honeymoon.
Matatandaan na matapos ang kanilang kasal noong nakaraang taon, ay nagtungo sila sa Amanpulo upang mag-honeymoon ngunit hindi nasolo nina Alex at Mikee ang isa’t isa dahil kasama nila ang kanilang pamilya.
Kaya naman, nagpasya ang mag-asawa magkaroon ng madalian ngunit masayang bakasyon na tinawag ni Alex na “quickie honeymoon” kung saan ay nag-overnight sila ng kanyang asawa sa isang medical wellness resort na ipinagmamalaki ng Lipa, Batangas, ang The Farm sa San Benito.
Photo credits: Alex Gonzaga | Youtube
Sa kanyang vlog ay ipinasilip ni Alex ang iba’t ibang aktibidad na kanilang ginawa sa resort. At dahil nga overnight lang sila dito, ay talagang sinulit ng mag-asawa ang bawat sandali na sila’y magkasama. Kitang-kita naman talaga ang kanilang kasweetan at paglalambingan. Nakakaaliw naman si Alex sa kanyang mga banat na jokes, na talagang goodvibes ang hatid.
Maliban sa kanilang medical consultation, ay naenjoy rin ng mag-asawa sa ilang wellness massage tulad ng water massage. Hindi naman napigilan ni Alex ang humanga sa masarap ng pagkain na kanilang natikman sa The Farm. Bukod nga rito, ay talagang humanga rin si Alex sa ganda ng tanawin na taglay ng nasabing resort.
Photo credits: Alex Gonzaga | Youtube
Photo credits: Alex Gonzaga | Youtube
Dahil dito, ay nangako si Alex na dadalhin niya sa napakagandang resort ang kanyang pamilya upang maranasan rin ng mga ito ang taglay na ganda ng lugar na talagang nakakarelaks at mga wellness treatment na talagang kailangan ng kanyang mga magulang na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy.
Photo credits: Alex Gonzaga | Youtube
Photo credits: Alex Gonzaga | Youtube
Hindi man masyadong nakapaglibot sina Alex at Mikee sa resort dahil sa masamang panahon, ay kitang-kita naman na nag-enjoy talaga sila.
Habang nasa bakasyon nga ay talagang naenjoy ni Alex ang mga sandaling kasama niya ang kanyang asawang si Mikee. Ayon nga sa aktres, ang makasama ang mahal sa buhay at magkaroon ng masayang bonding ay isang malaking bagay na talagang makapagpapasaya sa bawat isa. At tulad nga nila ni Mikee, na unang beses nagkasama ng silang dalawa lang para sa kanilang masayang bonding at honeymoon na rin, ay kakaibang kaligayahan ang kanilang nadama.
“We are very excited and very happy. The best is to spend time with your loved ones. Basta quality time, kahit nanonood lang kayo ng TV pero masaya kayo pareho at nag-e-enjoy kayo, okay na yun.”
Matatandaan na noong nakaraang taon buwan ng Nobyembre nang ikasal sina Alex at Mikee. Ngunit, noong Enero 17, 2021 nang isapubliko ng celebrity couple ang kanilang pag-iisang dibdib na dinaluhan lamang ng kanilang malalapit na kaibigan at mga mahal sa buhay.