Alex Gonzaga Isang Araw na Naging Yaya ni Baby Amari ang Napaka-Kyut na Anak ng Celebrity Couple na Sina Coleen Garcia at Billy Crawford

Nagpaplano na nga ba ang aktres na si Alex Gonzaga na magkaroon ng baby? Ang naging katanungan nga sa isipan ng marami niyang mga tagahanga, matapos nitng ibahagi ang kanyang latest vlog kung saan ay naging yaya siya ni Baby Amari sa loob ng isang araw. Si baby Amari ay ang napaka-kyut at kagiliw-giliw na anak ng mag-asawang Coleen Garcia at Billy Crawford.

Credit: Alex Gonzaga | Youtube

Matatandaan na ang sikat at popular na actress-vlogger na si Alex Gonzaga ang isa sa mga celebrity na ikinasal noong nakaraang taon sa gitna ng pandemya. Buwan ng Nobyembre taong 2020 ng ikasal sa pamamagitan ng isang private wedding ceremony si Alex at ang kanya ngang mister na ngayon na si Mikee Morada, kung saan bago nga nila isinapubliko na ganap na silang mag-asawa ay ilang buwan na rin ang nakalilipas na naganap ang pag-iisang dibdib nilang dalawa.

Samantala, ilang buwan narin nga ang matuling lumipas ng ikasal sina Alex at Mikee, ngunit tila nga wala pa sa plano ng mag-asawa ang bumuo ng pamilya, o magkaroon na ng supling. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng marami nilang mga tagasubaybay na sa ngayon ay abala pa si Mikee sa kanyang paglilingkod bilang councilor sa kanilang bayan, samantala si Alex naman ay abala rin sa patuloy na pagbibigay aliw at kasiyahan sa kanyang mga tagasubaybay sa pamamagitan ng mga nakaka-aliw niyang mga video vlogs.

Credit: Alex Gonzaga | Youtube

Ngunit nito nga lamang nakaraan, ay isang nakakaaliw na video vlogs ang ini-upload ni Alex sa kanyang YouTube channel, kung saan nga ay naging yaya siya sa loob ng isang araw ng anak ng mag-asawang Coleen at Billy na si Baby Amari.

Credit: Alex Gonzaga | Youtube

Sa video vlog nga na ito ni Alex ay makikita ang naging pagpunta nita sa tahanan ng mga Crawfords, kung saan ay gagawin nga niya ang pagiging Yaya for a day peg niya, at ang pinaka-gagawin nga niya ay ang alagaan ang kyut na kyut na baby boy nina Billy at Coleen.

Upang hindi mahirapan si Alex, ay tinuruan muna siya ng mag-asawa kung paano patitigilin si baby Amari kapag ito ay umiiyak. At i-dinemonstrate nga ito ni Coleen, gamit ang isang upuan na may gulong,, kung saan ay dito niya umano inuugoy-ugoy ang kanyang anak.

Credit: Alex Gonzaga | Youtube

Matapos nito ay makikita naman ang naging tila pag-akyat ni baby Amari sa hagdan. Nang si Alex na nga ang kasama ni Amari sa pag-akyat ay makikita naman na tila madaling napagod ang aktres.

Maliban pa dito, ay mapapanood rin sa vlog ang naging pagtuturo pa ni Coleen kay Alex ng iba’t ibang paraan na kanyang ginagawa sa everyday routine niya bilang mommy ni baby Amari. Kabilang nga sa mga itinuro ni Coleen kay alex ay ang tamang pag-aalaga sa kanilang baby, lalo na ngayon na ito ay sobrang likot na.

Credit: Alex Gonzaga | Youtube

Tila naman hindi na kinaya ni Alex ang pagiging isang yaya, dahil sa bandang huli ay sinabi niya na mas pipiliin niya pa ang maglaba kaysa ang mag-alaga ng bata. At dito nga ay nasabi ng mlga taganga ng aktres, na marahil ay hindi pa handa si Alex na maging isang ina, at mas nais muna nito na ma-enjoy ang buhay mag-asawa nila ng mister niyang si Mikee.

YouTube video player