Alamin ang Net Worth at Kung Gaano nga ba Kayaman ang Isang Angel Locsin

Isa nga sa itinuturing na bankable star at may pinakamalaking binabayarang buwis sa mga artista sa bansa ay ang Kapamilya star na si Angel Locsin. Si Angel ay isa sa may pinakamatagumpay na karera ngayon sa industriya ng showbiz. At sa dami nga ng kanyang proyekto ay hindi na nakapagtataka kung kumikita siya ng napakalaking halaga.

Ngunit, gaano nga ba kalaki ang kita ni Angel mula sa kanyang trabaho bilang artista? Ating alamin kung gaano kayaman ang Kapamilya star na si Angel Locsin.

Sa edad na 14 taong gulang ay namuhay na si Angel kasama ang kanyang amang si Angelo Colmenares at walang anumang komuniskasyon sa kanyang ina. Si Angel ay isinilang noong April 23, 1985 sa Sta. Maria Bulacan at ngayon nga, ay 36 taong gulang na.

Photo credits: Angel Locsin | IG

Photo credits: Angel Locsin | IG

Nagsimula ang karera ni Angel sa showbiz matapos madiskubre ng talent scout ng ABS-CBN sa isang shopping center at napabilang sa Star Circle Batch 9. Ngunit naudlot ang pagpirma niya ng kontrata dahil sa pagtutol ng kanyang ama. Sa kabutihang palad, ay nakuha naman siya ng GMA Network na pumirma ng kontrata at dito na nga nagsimulang umarangkada ang kanyang karera sa showbiz.

Photo credits: Angel Locsin | IG

Photo credits: Angel Locsin | IG

Agad isinalang si Angel sa oriented series na Click, hanggang sa gumanap na siyang bida ng fantaserye na Mulawin sa karakter ni Alwina kung saan ay nakatambalan niya ang sikat na aktor na si Richard Gutierrez noong 2004 at nagwakas noong 2005. Mas lalo pang nakilala ng publiko si Angel nang gumanap na Darna sa telebisyon na adaption ng Mars Ravelo comics.

Photo credits: Angel Locsin | IG

Ngunit, pagsapit ng taong 2007 ay tinapos na ni Angel ang kontrata sa GMA Network at lumipat sa ABS-CBN upang patunayan ang kanyang sariling kakayahan. Sa kanyang paglipat ay agad na dinagsa ng napakaraming proyekto ang kanyang karera na talaga namang makikita ang kanyang taglay na husay pagdating sa pag-arte. At ang huling proyekto na ginampanan ni Angel ay ang action drama series na “The General’s Daughter”.

Photo credits: Angel Locsin | IG

Ngunit, sa ngayon ay abala pa rin si Angel sa kanyang sariling programa na “Iba Yan”. Isang programa na nagsisilbing daan upang makatulong sa mga nangangailangan. Ang programa rin ni Angel na ito, ay patuloy na nagbibigay ng inspirasyon at pag-asa sa mga tao.

Photo credits: Angel Locsin | IG

Samantala, hindi naman maikakaila ang taglay na kayamanan ni Angel na bunga ng kanyang pagsisikap sa loob ng halos 15 taong pamamalagi sa showbiz. Ayon nga sa isang reliable source ay umaabot ng $3-$5 million ang net worth ng aktres sa loob ng isang taon. Ang nasabing halaga ay mula sa pinagsama-sama niyang kita sa endorsements, pag-aartista at maging sa kanyang mga business. Maliban sa pagiging aktres, ay isa ring fashion designer at modelo ng kanyang sariling obra si Angel.

Photo credits: Angel Locsin | IG

Isang endorser rin si Angel ng mga kilalang produkto ng iba’t ibang kompanya sa bansa. Ilan nga sa mga ito ay Head and Shoulders, Avon Philippines, Coca-Cola at marami pang iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *