Alamin ang mga Tunay na Pangalan ng mga Sikat na Artista, Singer, at Komedyanteng Ito

Ang bawat isa sa atin ay may nakalaang pangalan upang mag-silbing pagkakakilanlan. Napakasarap marinig kapag tinatawag tayo sa ating pangalan, lalo na nga’t ito’y bigay sa atin ng ating mga magulang.

Katulad na lamang ng mga sikat na celebrities sa showbiz, na may sarili ring pangalan. Ngunit, ang mga sikat na celebrities sa showbiz ay hindi gumagamit ng kanilang mga tunay na pangalan. At ang gamit nila kadalasang pangalan bilang kanilang screen name ay nickname o pangalan na naisip nilang babagay sa kanilang personalidad bilang sikat na celebrities. Ang ilan naman ay may isang pangalan lamang o bansag, at walang apelyido. Ito nga ang kanilang ginagamit upang makilala sila ng publiko at mas madaling bigkasin at maalala ang kanilang pangalan.

Alamin ang tunay na pangalan ng mga sikat na celebrities na ito sa showbiz na may isang pangalan lang.

1. Nina

Ang mahusay na singer na si Nina isa nga sa hinahangaan ng marami dahil sa kanyang magandang tinig. Sa likod ng kanyang maikling pangalan, ay ang kanyang tunay na pangalan na Marifil Niña Girado-Enriquez.

2. Mahal

Marami ang naaaliw sa maliit na taong si Mahal na kilala bilang isang mahusay na komedyante sa bansa. Si Mahal ay may tunay na pangalan na Noemi Tesorero.

3. Tekla

Romeo Librada naman ang tunay na pangalan ng komedyanteng si Tekla na kilala bilang isa ring mahusay na TV host.

4. Pokwang

Ang 50 taong gulang na si Pokwang na isnag mahusay na singer at komedyante ay may tunay na pangalan na Marietta Subong.

5. Pooh

Sumikat naman ang komedyanteng si Pooh sa kanyang screen name. Ngunit, ang tunay niya palang pangalan ay Jay Patrick Roquero.

6. DJ Loonyo

Ang kinakikiligan ng mga kababaihan na gwapong dancer na si DJ Loonyo ay taglay ang magandang pangalan na Rhemuel Lunio.

7. Kyla

Melanie Hernandez Calumpad-Alvarez naman ang tunay na pangalan ng sikat na singer na si Kyla.

8. Karylle

Ang singer na anak ni ZsaZsa Padilla na si Karylle ay kilala rin sa kanyang tunay na pangalan na Ana Karylle Tatlonghari-Yuzon.

9. Michael V

Ang husay ni Michael V sa paghahatid ng saya sa mga manonood ay hindi matatawaran. Sa kanyang sikat na pangalang Michael V ay nakatago ang kanyang tunay na pangalan na Beethoven del Valle Bunagan.

10. Betong

Ang komedyante at isa ring mahusay na TV host na si Betong ay may tunay na pangalan na Albert Sumaya Jr.

11. Jaya

Maria Luisa Ramsey ay tunay na pangalan ng singer na si Jaya.

12. Boobay

Kilala sa tunay na buhay ang komedyanteng si Boobay bilang si Norman Balbuena.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *