Connect with us

Entertainment

Aktres na si Arci Muñoz, Itinuturing na Bestfriend ang Kanyang Maalaga at Mapagmahal na Ina, Lagi niyang Kasama sa Kanyang mga Bakasyon

Si Ramona Cecilia Datuin Muñoz o mas kilala bilang Arci Muñoz ng publiko ay isang mahusay na aktres. Unang nakilala si Arci matapos mapabilang sa reality talent show sa GMA Network na StarStruck noong 2005. Magmula ng makilala at lumikha ng sariling pangalan sa showbiz, ay patuloy na namamayagpag sa kasalukuyan ang karera ni Arci sa industriya kung saan ay inulan siya ng kaliwa’t kanang mga proyekto.

Maliban naman sa pagiging isang mahusay na aktres, ay isang mahusay na singer si Arci. Sa katunayan nito ay vocalist siya ng kilalang banda sa bansa na Philia.

Photo credits: ramonathornes | IG

Samantala, sa kanyang matagumpay na karera ay kasama ni Arci ang kanyang very supportive at mapagmahal na ina na si Mommy Yolanda. At hindi lamang ito ina ni Arci kundi nagsisilbi rin itong bestfriend ng aktres. Ang pagmamahal ni Arci sa kanyang maalaga at mapagmahal na ina ay walang kapantay. Sa kabila nga ng mga pagsubok na dumaan sa kanilang pamilya sa paglipas ng taon, ay mas lalo pang minahal ni Arci ang kanyang ina matapos makita kung paano ito lumaban sa buhay.

Photo credits: ramonathornes | IG

Matatandaan na noong taong 2016, sa panayam sa programang Magandang Buhay, ay ibinahagi ni Arci kung paanong naging matatag ang kanyang ina para sa kanilang magkakapatid noong pumanaw ang kanilang ama.

Napatunayan nga ni Arci na sa halip na panghinaan ng loob ang kanyang ina dahil sa pagpanaw ng kanyang ama, ay nakita niya na pinilit nitong maging matatag. Ang kanyang ina ang siyang gumabay at nagpalakas ng kanilang loob upang malampasan ang matinding pagsubok na ito ng kanilang buhay.

Photo credits: ramonathornes | IG

Ibinahagi naman sa panayam ng kapatid ni Arci na si Lou, na ang kanyang ina ang nangunguna para ipagdasal ang kanilang ama. Ayon naman kay Arci, ay malaki ang naitulong sa kanilang magkakapatid ng kanilang ina para matanggap ang nangyari sa kanilang pumanaw na ama. Ang napakahirap na sitwasyong ito ay napagtagumpayan ng kanilang pamilya dahil sa pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos.

Photo credits: ramonathornes | IG

Samantala, malaki rin ang naitulong ni Mommy Yolanda kay Arci na naging sandigan nang mabigo sa pag-ibig matapos nilang mag-break ng kanyang ex-boyfriend. Malaki ang naitulong ng bonding moments nilang mag-ina para agad na makalimot ang aktres.

Photo credits: ramonathornes | IG

Isa naman sa kanilang ginawa, ay ang masayang bakasyon sa Japan. Sa Instagram post nga ni Arci, ay isang nakakaantig na kwento ang laman ng kanilang masayang trip sa Japan. Makikita sa larawan na nasa loob sila ng “temple of love” kung saan isinulat nila ang kanilang mga kahilingan.

Ang aktres na si Arci ay nagsulat ng “world peace,” bilang kanyang kahilingan. Samantalang si Mommy Yolanda naman, ay nag-iwan ng mensahe na nagpaiyak kay Arci.

“I wish Mona (Arci’s real name) will [be] blessed with a loving and caring partner in life.”

Photo credits: ramonathornes | IG

Makikita naman na talagang nag-enjoy ang mag-ina sa kanilang bakasyon, at naka todo porma rin ang dalawa sa kanilang magagandang suot na damit. Noong 2018 naman ay magkasama ring nagbakasyon ang mag-inang Arci at Yolanda sa Hongkong kung saan ay talagang sinulit ang masaya nilang bonding moments.

error: Content is protected !!