Aktor na si Rommel Padilla, Ibinida ang Pagmamay-Ari Niyang Malawak na Palayan sa Nueva Ecija

Ang buhay ng isang magsasaka ay talaga namang hindi biro, ngunit kapag talagang ang pagtatanim ay nasa iyong puso, at pursigido ka na mapalago ang iyong mga pananim ay panalong-panalo naman kapag panahon na para ito’y iyong anihin.

Credit: Rommel Padilla | Instagram

Pinatunayan ito ng aktor na si Rommel Padilla, na kamakailan nga lamang ay proud na ibinida sa kanyang mga tagasubaybay ang pag-aari niyang malawak na palayan sa Nueva Ecija na kanya ngang pinagsumikapang palaguin.

Si Rommel Padilla, ay hindi lang kilalang aktor sa industriya ng showbizm siya rin ang ama ng isa sa mga pinakasikta na aktor ngayon na si Daniel Padilla.

Credit: Rommel Padilla | Instagram

Makikita sa mga larawan na ibinabahagi ni Rommel sa kanyang Instagram account kung paano niyang ipagmalaki ang buhay nila ng kanyang pamilya ngayon sa probinsya ng Nueva Ecija, kung saan payak at masaya ang kanilang pamumuhay.

Ayon sa mga ulat, pag-aari mismo ni Rommel ang malawak na palayan na madalas nga niyang ibahagi sa kanyang social media, at dito ay mayroon siyang mga taga-ani na mga magsasaka.
Hindi nga lamang ang pagpapalago ng kanyang sariling palayan ang layunin ng aktor, dahil ayon sa kanya ay nais niya rin matulungan ang iba pang mga magsasaka na mapalakas ang ani ng mga ito. Kaya naman para mas mapalawig pa niya ang hangarin niyang makatulong, ay nakipag-ugnayan siya sa isang AgriTech na kumpanya.

Credit: Rommel Padilla | Instagram

“Palay ay buhay. Dalangin ko po naway maging hitik sa bunga lahat ang lahat ng amin ipinunla upang matustusan ang pangangailangan ng pamilya at ang ating pamayanan. Ang DIYOS ang siyang pinaka Dakila”, ang naging caption ng aktor ng ipakita niya sa kanyang Instagram account ang mga pananim niyang palay.

Credit: Rommel Padilla | Instagram

Maliban pa dito, ay may iba pang larawan na ibinahagi si Rommel kung saan ay makikita naman na kasama niya ang iba pang mga magsasaka na kita ngang abala sa pag-aasikao ng palayan.
Samantala, sa hiwalay na post naman ng aktor, ay ipinaabot niya ang kanyang pasasalamat sa AgriTech company na tumulong sa kanila, upang mas mapalawig pa nga ang kaalaman nila sa pagsasaka at maging daan upang dumami pa ang kanilang ani.

“Maraming salamat po sa SL-AgriTech at kay Kasakang Sir Joseph sa inyong suporta at Layuning palakasin ang Ani ng bawat Magsasaka!!!! HaymabU!
#PalayAyBuhay #BuhaysaKabukiran #UnaAngMagsasaka #MabuhayNovoEcijanos”

Credit: Rommel Padilla | Instagram

Hindi nga lamang ang pagtatanim ng palay ang pinagkakaabalahan ngayon ng aktor sa kanyang buhay probinsya sa Nueva Ecija, dahil maliban sa kanyang palayan, ay mayroon din siyang mga alagang hayop. Sa katunayan, sa isang IG post nga niya, ay nagbahagi siya ng maikling video clip, kung saan siya ay abala sa pagtatabas ng Napier, na ayon sa kanya ay para sa kanyang mga alaga na tupa, kambing at kalabaw.

Si Rommel Padilla ay naglingkod na noon sa unang distrito ng Nueva Ecija bilang isang Kongresista, kaya naman kilala siya ng mga tao sa nasabing bayan.