Yam Concepcion, Ibinahagi ang Masayang Bakasyon sa New York Kasama ang kanyang Non-Showbiz Boyfriend

Ang aktres na si Yam Concepcion ay pansamantalang natigil sa kanyang trabaho sa kanyang lock-in taping sa Kapamilya teleserye na “Init sa Magdamag” upang mag-enjoy at lasapin ang masayang buhay sa piling ng kanyang boyfriend na si Miguel Cu-unjieng sa New York. Nito lamang buwan ng Mayo, nang magpasyang lumipad patungong New York ang aktres.

Matatandaan na minsang ibinunyag ni Yam sa panayam sa programang I Feel U ng host na si Toni Gonzaga na mananatili siya sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan sa New York sa piling ng kanyang boyfriend.

Minsan naman nang ibinahagi ni Yam na nagkasama sila ng kanyang boyfriend noong nakaraang Disyembre ngunit dalawang linggo lamang ito. Samantala, kahit naman long-distance ang estado ng kanilang relasyon ay nananatili namang itong matibay at matatag kung saan ay umabot na sila ng anim na taon bilang magkasintahan.


Tila naman hindi lubos na nasiyahan ang magkasintahan sa kanilang pagkikita noong nakaraang Disyembre, kaya naman sa paglipad ni Yam patungong US ay sinulit nilang dalawa ang mga sandaling sila’y magkasama.

Kahit nasa US si Yam kasama ang kanyang boyfriend, ay hindi naman nawala sa isip niya ang magbigay ng update sa kanyang mga tagahanga patungkol sa mga kaganapan ng kanyang buhay. At sa latest vlog ni Yam, ay ipinasilip niya ang masaya niyang buhay sa piling ng kanyang boyfriend sa New York.

Ipinangako ng 32 taong gulang na aktres, na magbabahagi siya ng mas marami pang vlogs, upang mabigyang kasiyahan ang kanyang mga tagahanga. Isa na nga rito ang masayang buhay sa loob ng isang araw kasama ang boyfriend niyang si Miguel.

Sinimulan ng magkasintahan ang kanilang araw sa isang tasa ng mainit na kape. Agad naman napuno ng kasweetan ang vlog ni Yam, dahil umaga palang ay pinakilig na nila ang mga fans sa matamis na halik nila sa isa’t isa.

VLOG: A Day in my Life

Matapos naman makapagkape, ay lumabas na sila upang mamamasyal kasama ang kanilang alagang aso na si Tiny. Nagtungo sila sa napakagandang lugar sa mga street ng New York.

Makikita naman na enjoy na enjoy ang magkasintahan sa kanilang pamamasyal na talaga namang sweet na sweet sa isa’t isa. Matapos ang masayang pamamasyal, ay bumalik na sila sa kanilang tahanan, at don nga at tinapos nila ang araw sa pamamagitan ng isang masarap na salad na kanilang pinagsaluhan.