Tirso Cruz III at Asawa Niyang si Lynn Ynchausti, Masayang Ipinagdiwang ang Kanilang 40th Wedding Anniversary

Isang napakasweet na mensahe ang ipinaabot ng batikang aktor na si Tirso Cruz III sa kanyang asawang si Lynn Ynchausti para sa pagdiriwang ng kanilang ika-40 taong pagsasama bilang mag-asawa.

Idinaan ni Tirso ang kanyang nakakaantig na pagbati sa kanyang asawa sa social media. Sa nasabing post rin ng aktor ay inalala niya ang kanyang anak na si TJ na pumanaw matapos makipagsapalaran sa sakit na cancer noong 2019. Saad nga ni Tirso, sana raw ay kasama nila ito sa espesyal na pagdiriwang.

“GODly heavenly morning TJ! Today marks a very special day in our lives as we celebrate our 40th year of marriage. God has been good to us. How we wish you were here with us to celebrate it with Bodie & Djanin.”

Ibinahagi rin ng aktor na nais nila ng kanyang asawang si Lyn na tumagal pa ang kanilang pagsasama ng maraming taon. Sa huli ay sinabi pa nito ang nadaramang pangungulila at pagmamahal sa kanilang anak na si TJ.

“Your mama & I are looking forward to many more years of togetherness. We miss you Teej. We love you.”

Photo credits: Tirso Cruz | IG

Nagpaabot rin ng nakakaantig na mensahe si Lyn sa kanyang asawang si Tirso para sa kanilang 40th wedding anniversary. Sa Instagram ay ibinahagi ni Lyn ang maikling video kung saan makikita ang journey nila ni Tirso sa buhay bilang mag-asawa.

Photo credits: Tirso Cruz | IG

Sa kanyang post, ay inihayag ni Lyn ang kanyang pasasalamat sa matatag at masaya nilang pagsasama sa loob ng 40 na taon dahil ang Diyos ang naging sentro nito. Nabanggit rin ni Lyn sa kanyang post ang kanilang pumanaw na anak na si TJ.

“40 years married, with God at the center of our marriage. Forty years of fun, laughter and joy. And also sadness, trials and tears, enduring all these with the Lord by our side.”

“We praise you and thank you Lord for your presence in our lives. Thank you for our children, TJ (we love and miss you Teej on this special day of ours), Bodie and Djanin. We are blessed.”

Marami rin sa kanilang mga kaibigan sa showbiz ang nagpaabot ng pagbati para sa pagdiriwang ng kanilang 40th wedding anniversary.

“Happy 40th Anniversary Uncle Pip and Tita Lyn. Love you both,”bati ni Sunshine Cruz.

“Happy 40th!!! Love you both!!!” saad naman ni Jackie Lou Blanco.

Ikinasal sina Tirso at Lyn noong 1981, at ang kanilang pagsasama ay biniyayaan ng tatlong anak, sina TJ, Bodie at Djanin.