Tingnan ang Kahanga-hangang Transformation ng mga Sikat na Celebrities na ito na Taglay na Ngayon ang Mala-dyosang Kagandahan

Kapag pumasok sa industriya ng showbiz, ay hindi lamang taglay na talento ang kinakailangan. Dahil maliban rito, ay kailangan rin ng magandang mukha upang mapanatili ang matagumpay na karera. Kaya naman, talagang inaalagaan ng mukha at katawan ng mga sikat na artista sa showbiz. Makikita naman sa pagdaan ng panahon ang kanilang kahanga-hangang transformation na ngayon nga ay taglay na ang mala-dyosang kagandahan.

1. Maja Salvador

Ang natural na karisma ng aktres na si Maja Salvador ay nakuha ang atensyon ni Charo Santos-Concio matapos mapanoos sa isang panayam sa The Buzz noong 2003.

Photo credits: google.com

At sa kaparehong taon ay naging bahagi siya sa tambalang John Lloyd Cruz-Bea Alonzo sa pelikulang “It Might Be You”. Sa paglipas ng panahon, ay mas lalo niyang pinamalas ang kanyang talento bilang isang mahusay na aktres sa industriya ng showbiz.

Photo credits: google.com

Mas lalo namang napansin ang kanyang talento sa teleseryeng Wild Flower. Bukod sa pag-arte, ay may natatangi ring husay sa sayaw at pag-awit. Kinabibiliban rin ng marami ang kanyang kahanga-hangang kagandahan.

2. Arci Muñoz

Sino ba naman ang hindi hahanga sa angking ganda ng aktres na si Arci Muñoz. Nagsimula ang karera ni Arci sa talent search competition na StarStruck noong 2005.

Photo credits: google.com

Ipinagpatuloy naman niya ang kanyang namamayagpag sa ABS-CBN sa Filipino adaptation ng teleseryeng Pasion de Amor.

Photo credits: google.com

Matapos nga nito, ay nasundan pa ito ng napakaraming proyekto na talagang humasa ng kanyang talento. Sa paglipas naman ng panahon, ay nasilayan natin na talagang paganda ng paganda ang aktres.

3. Kim Chiu

Taong 2006 nang magsimula ang karera ni Kim Chiu sa showbiz matapos magwagi sa reality talent competition na Pinoy Big Brother. Agad na ipinakita ni Kim ang kanyang husay sa pag-arte dahilan nga upang ulanin siya ng kaliwa’t kanang proyekto. Tinaguriang Chinita Princess si Kim sa industriya ng showbiz.

Photo credits: google.com

Tumatak naman sa publiko ang tambalan nila ng aktor na si Gerald Anderson. At ngayon nga, ay patuloy na namamayagpag ang kanyang karera sa showbiz. Kasabay naman nito, ang makulay at masaya niyang love life sa piling ng kanyang boyfriend ma si Xian Lim

4. Kathryn Bernardo

Nagsimula naman ang karera ng aktres na si Kathryn Bernardo bilang isang child star. Sa pagdaan ng panahon, ay nasaksihan ng publiko ang pagbabago ni Kath mula sa isang inosenteng bata, hanggang sa isang napakagandang dilag.

Photo credits: google.com

Ang dati ngang Teen Queen ay kilala na ngayon bilang Queen Of Hearts. Pinapasaya naman si Kath ng kanyang on screen at real life boyfriend na si Daniel Padilla.

5. Bea Alonzo

Sa loob ng halos 18 taon sa industriya ng showbiz, ay pinatunayan ng aktres na si Bea Alonzo ang kanyang husay pagdating sa pag-arte.

Photo credits: google.com

Mas lalong nakilala si Bea sa nakakakilig na tambalan nila ng aktor na si John Lloyd Cruz.

Photo credits: google.com

Sadyang napakaganda naman talaga ni Bea, dahilan upang mapaibig ang mga kilalang aktor sa industriya. At ang huli niya ngang aktor na nakarelasyon ay ang aktor na si Gerald Anderson.

6. Erich Gonzales

Hahangaan rin ang angking kagandahan ng aktres na si Erich Gonzales. Nagsimulang makilala ng publiko si Erich matapos mapabilang sa Star Circle Quest.

Photo credits: google.com

Ilan naman sa kanyang mga proyekto ay “Mga Anghel na Walang Langit at Sana Maulit Muli. Lalo namang ipinamalas ang kanyang husay sa teleseryeng “Blood Sisters”.

Photo credits: google.com

Aktibo hanggang sa kasalukuyan sa showbiz si Erich at madalas ring magbigay ng update sa kanyang mga tagahanga sa pamamagitan ng kanyang mga nakakaaliw na videos sa kanyang YouTube Channel.

7. Nadine Lustre

Marami naman ang kinilig sa tambalan ng aktres na si Nadine Lustre at aktor na si James Reid, ngunit sa kasamaang palad ay nagwakas ang kanilang pag-iibigan.

Photo credits: google.com

Nagsimula ang kanilang tambalan noong 2014 sa pelikulang “Diary ng Panget”. Marami pang pinagsaluhang proyekto ang dalawa tulad na lamang ng “On The Wings of Love at Till I Met You.”

8. Julia Barretto

Taong 2006 nang ipamalas ng aktres na si Julia Barretto ang kanyang husay sa pag-arte sa Gulong ng Palad.

Photo credits: google.com

Magmula noon ang marami na siyang proyekto, hanggang sa pumatok ang tambalan nila ng kanyang ex-boyfriend na si Joshua Garcia. Sa ngayon, ay masaya na si Julia sa piling ng kanyang boyfriend na si Gerald Anderson.

9. Liza Soberano

Photo credits: google.com

Isa rin sa hinahangaang mukha sa industriya ng showbiz ang napakagandang aktres na si Liza Soberano. Kinakikiligan rin ng publiko ang tambalan nila ng kanyang on screen at real life boyfriend na si Enrique Gil.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *