Sunshine Cruz, Ibinahagi ang Masayang Bakasyon sa Beach Kasama ang Kanyang Nag Gagandahan at Nag Seseksihang Tatlong Anak

Bago matapos ang summer, ay hindi pinalampas ng aktres na si Sunshine Cruz na makapagbakasyon sa beach kasama ang kanyang tatlong dalagang anak na sina Angelina, Sam, at Chesca.

Nitong mga nakaraang araw, ay naging sunod-sunod ang pagpost ni Sunshine sa kanyang Instagram kung saan ay ipinasilip niya ang masayang bakasyon sa beach kasama ang kanyang tatlong anak. Ayon naman sa caption ng post ng aktres, ang kanilang bakasyon na ito ay extended celebration ng Mother’s day.

“Extended Mother’s Day bonding with my girls.”

Matatandaan na isa rin si Sunshine sa mga nakaranas na mahawaan ng sakit na COVID-19, at matagumpay itong nalampasan ng aktres. Kaya naman, sa kanyang IG post, ay ibinahagi ng aktres kung paano siya natulungan ng kanilang apat na araw na bakasyon upang mapawi ang kanyang nararamdamang lungkot matapos maranasan ang magkasakit. At dahil nga, nanghina talaga siya matapos magkasakit, ay talagang kailangan niya ang bitamina muna sa dagat upang lumakas.

“Covid made my lungs very weak. Even after testing negative for Covid, I’ve been having sleepless nights from coughing. I’ve declined guestings that require me to sing because of my persistent cough. I am finally better. Dagat lang pala ang kailangan ko.”

Nagpasalamat rin si Sunshine sa Diyos sa pagkakataong ibinigay sa kanya upang makapagbakasyon at makasama ang kanyang mga anak. Ipinagpasalamat rin niya ang kanyang lubusang paggaling, at ngayon nga ay maaari na siyang makabalik sa trabaho dahil tiyak niya na magaling na talaga siya. Masaya rin ang aktres, dahil pwede na rin ulit siyang kumanta.

“Thank you Lord for the wonderful 4 days You’ve given me and the kids. Thank you for the gift of work, nadadala ko ang mga anak ko sa magagandang lugar. Thank You for healing me. I can finally workout. Pwede na din ulit ako kumanta.”

Sa isang panayam sa Magandang Buhay, ay binalikan ni Sunshine ang hirap na naranasan sa kanyang pakikipaglaban sa nakakahawang sakit. Hindi madali ang kanyang pinagdaanan, dahil napakatagal mawala ng sintomas ng kanyang sakit dahilan nga upang bumawas ang kanyang timbang.

Bagama’t, nakakalungkot rin raw makitang marami ang naghihirap sa hospital para lumaban sa sakit, ay ipinagpasalamat niya dahil nalampasan niya ito. Maituturing ring blessing dahil wala siyang nahawa sa kanyang pamilya.

“Pero ang pinagpapasalamat ko pa rin sa Diyos, nakikita ko rin na ang dami-daming nag-ii-struggle sa hospital, nahihirapan talaga. Pero ako, I was able to survive ‘yung pagkakaroon ng COVID inside my house, isolated, at wala namang nahawa kahit sino. So that alone is a blessing already.”

Matatandaan na noong nakaraang buwan ng Marso, nang magkasakit at mahawa si Sunshine ng virus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *