Silipin ang Napakaganda at Napakaseksing si Roxanne Barcelo sa kanyang Maternity Photoshoot

Pinahanga ng singer at aktres na si Roxanne Barcelo ang kanyang mga fans sa kanyang maternity photoshoot nito lamang Mother’s day, ika-9 ng Mayo. Sa kanyang nakalitaw na 37 weeks baby bump, ay makikita na sadyang napakaganda at napakaseksi parin ni Roxanne, dahilan nga para mapa-wow ang mga netizens.

Sa magkakasunod na post ng 36 taong gulang na aktres sa Instagram, ay ibinahagi niya ang kanyang angking kagandahan na kuha sa maternity photoshoot para sa Mega Entertainment magazine.

Photo credits: Roxanne Barcelo | IG

At para sa bagong journey ni Roxanne bilang isang first time mom, ay hindi naman maikakaila ang kanyang pagiging grateful matapos mabiyayaan ng isang sanggol sa sinapupunan. Ang kanyang pregnancy nga, ay inilarawan ng aktres sa apat na matatalinhagang salita na tinawag niyang “Path to Selfhood”.

“I named each look and vibe expressing the different phases of my pregnancy, specifically: awakened, gratitude, alignment, and manifestation.”

“Collectively, I called it the Path to Selfhood, and it really visualizes the sounds of my mood and this new season of my life.”

Photo credits: Roxanne Barcelo | IG

Makikita naman na talagang napakaganda ni Roxanne sa bawat kuha ng larawan na talagang lumutang ang kanyang taglay na ganda at kaseksihan sa kanyang mga isinuot. At ang nasa likod ng matagumpay na maternity photoshoot nito ay binigyang katuparan ng photographer na si Jerick Sanchez. Ang style naman ay mula kay Lyn Alumno, na pinaganda ng hair and makeup ni Renz Pangilinan at Boggy Diaz. Ang production design naman ay ideya ni Aren Dale Santos.

Photo credits: Roxanne Barcelo | IG

Ibinunyag naman ni Roxanne kung ano ang nagtulak sa kanya na magkaroon ng maternity photoshoot sa kabila ng mga kinakaharap na problema. At ito nga ay dahil sa kanyang kaibigan na si Boggy.

Saad nga ng singer-actress,“Since my dear friend, Boggy was the one who initiated the maternity shoot, I was feeling a lot of gratitude. Especially, how everyone just said yes to the project.”

Kung ang ibang soon to be mom ay walang lakas ng loob na ipakita ang kanilang baby bump, para kay Roxanne, ay dapat itong ipagmalaki dahil nakakaganda umano ito.

“It felt so good to feel confidently beautiful with a bump!”

Photo credits: Roxanne Barcelo | IG

Noong Disyembre 2020 ay napapag-usapan na ang pagbubuntis ni Roxanne. Kung saan matatandaan nga na noong Enero nang ianunsiyo ni Roxanne ang kanyang pagbubuntis. At nito lamang nakaraang buwan ng Abril, ay ibinunyag naman ng aktres na sila ng kanyang asawa, ay isang baby boy ang magiging panganay na anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *