Silipin ang mga Astig at Komportableng Dream Van ng mga Sikat na Artistang Ito na Naging Pangalawang Tahanan nila pag Nasa Taping

Ang maranasan nga ang matinding traffic sa bawat kalsada ng Pilipinas, ay natural na lamang para sa pang-araw-araw na buhay ng mga motorista. Sa haba nga ng traffic, ay tiyak na mababagot at aantukin ka.

Mabuti na lamang nga, at ang ilang artista sa industriya ng showbiz, ay may magara at komportableng mga sasakyan na kanilang nagagamit habang nasa gitna ng traffic. Maliban nga rito, ay lahat ng mga kinakailangan nilang gamit ay matatagpuan na rin sa kanilang sasakyan, na animo’y katulad ng kanilang bahay. Kahit nga pagod sa trabaho mula sa taping, guesting at iba pang gawain, ay tiyak na makakapagpahinga ng maayos at makakapa-relax ang mga iniidolo nating mga artista.

Ang nasa likod nga ng magaganda at komportableng sasakyan ng mga sikat, ay ang founder ng car customizer na Atoy Customs, na si Atoy Llave na siya ring may gawa ng sasakyan nina Kris Aquino, Coco Martin, at Sylvia Sanchez. At kamakailan nga, ay ibinahagi niya ang ilan pa sa mga sasakyan ng mga sikat na ginawa niyang kahanga-hanga at kompleto ayon sa kanilang pangangailangan, kung saan ang mga ito’y komportable saan mang lugar magpunta.

1. Kim Chiu

Ang Chinita Princess na si Kim Chiu, ay hindi maikakaila na kontento at komportable sa kanyang customized van.

Ang kanyang van nga ay may maaliwalas na lugar, kung saan komportable siyang nakakapagpahinga sa malambot na couch sa loob ng mahabang oras.

Pagbabahagi naman ni Atoy, ay nais raw ni Kim na nakahiwalay ang gamit ng aktres, dahil ayaw nitong naiistorbo. Kaya naman, nakalagay sa likod ang mga gamit ni Kim. Napakaganda nga ng van ni Kim sa disenyo nitong gray and pink leather covers. Bukod rito ay may mini-movie theater rin sa loob ng van.

2. Yassy Pressman

Ang Probinsyano star na si Yassy Pressman ay kasama niya sa trabaho sa maghapon ang kanyang multi-purpose 4-door van.

At dito nga ay nakakapag-relax habang nag-eenjoy si Yassy. Bongga naman ang van na ito ni Yassy dahil may sarili itong comfort room.

Bukod rito ay may munting mesa rin sa loob ng van kung saan komportable nakakakain si Yassy. Ang ceiling naman nito ay may disenyong stars na tila nagnining na mga bituin pagsapit ng gabi.

3. Sam Milby

Ang customized van naman ng aktor na si Sam Milby, ay sadyang napakaganda at komportable rin kung saan, ay makakalimutan mong naipit ka pala sa gitna ng traffic.

Pagbabahagi naman ni Atoy, ay nais ni Sam na maluwag ang espasyo ng van. Sa sounds naman gumastos ng malaki ang aktor.

Ayon kay Sam, ay malaking tulong sa kanya ang van upang maalis ang pagod sa kanyang busy schedule.

4. Kramer Family

Swak na swak naman sa pamilya Kramer ang kanilang sasakyan. Enjoy na enjoy nga ang mag-asawang Cheska Garcia at Doug Kramer kasama ang kanilang tatlong anak na sina Kendra,Scarlett at Gavin.

Ang kanilang mini bus, ay may mini cinema na may high-end sound system.

5. Aubrey Miles at Troy Montero

Feel at home naman ang celebrity couple na sina Aubrey Miles at Troy Montero sa kanilang mid-sized SUV na kanilang pina-customized.

Noong 2018, ay sinabi ni Aubrey, na ginawa nila ito bilang paghahanda sa nalalapit na pagdating ng kanilang baby.

Ayon naman kay Atoy, ang special request ng mag-asawa sa pagpapaganda ng sasakyan, ay ang “Captain’s chair”.

6. Ivana Alawi

Ang aktres na si Ivana Alawi naman, ay labis na ipinagpasalamat na ang kanyang ordinaryong van, ay nagtransform sa kanyang dream van. At para sa napakagandang aktres, na kailangan manatiling maganda at kailangang magbihis sa loob ng sasakyan, ay bagay na bagay nga ito sa kanya.

Sa loob nito ay may vanity mirror, at footrest. Magagawa ngang mag-ayos ni Ivana sa loob ng kanyang hair ang make up upang huwag malate sa taping.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *