Silipin ang Bonggang Transformation ng Komedyante at Impersonator na si Ate Glow na Masaya na Ngayon sa Piling ng Kanyang Gwapo at Mapagmahal na Asawa

Sa kanyang nakakaaliw at gayang-gayang personalidad ng dating Pangulo ng Pilipinas na si Gloria Macapagal Arroyo, ay talaga namang marami ang pinahanga at pinangiti ng sikat na komedyante at impersonator na si Ate Glow.

Ngunit, matagal na nating hindi nasisilayan sa telebisyon si Ate Glow, dahil sa ngayon ay masaya na siyang namumuhay kasama ang kanyang gwapo at loving husband na si Mr. Hampshire sa London, United Kingdom.

Ang kinagiliwan ng madla noon na si Ate Glow, ay kilala na ngayon bilang si Renee Hampshire. At ngayon nga, ay malayong-malayo na si Ate Glow sa kanyang dating anyo dahil sa kanyang bongggang transformation na sadyang napakaganda. Isa na ngayong straight transgender woman si Ate Glow.

Samantala bago pa man niya mapangasawa ang kanyang asawang Briton, ay nagkaroon muna ng dalawang nakarelasyon si Ate Glow. Sa katunayan nga nito, ilang taon na ang nakakalipas ay nagtungo siya sa London upang ayusin ang relasyon sa kanyang ex-boyfriend. Ngunit noong 2013, hindi inaasahan ni Ate Glow na dito niya pala matatagpuan ang lalaking magbibigay sa kanya ng isang wagas na pagmamahal na matagal na niyang hinahanap.

At noong taong July 2, 2016 nga ay naganap ang kanilang pag-iisang dibdib sa Chelsea Registry Office sa London, United Kingdom kung saan dinaluhan ng kanilang malalapit na kaibigan at mga mahal sa buhay. Ang simple at masayang pagdiriwang ng kanilang kasal, ay ibinahagi naman ni Ate Glow sa social media kung saan marami sa kanyang mga tagahanga ang natuwa.

Matatandaan naman na noong bumalik si Ate Glow sa Pilipinas ay nakapanayam siya sa programang Magandang Buhay. Sa nasabing panayam ay naikwento ni Ate Glow ang kanyang buhay magmula ng iwan ang showbiz pati na rin ang kanyang buhay may asawa.

Kwento nga ni Ate Glow ay nagkilala sila ng kanyang loving husband online sa isang app ng mga mahilig sa wine at alcohol. Napansin raw ni Ate Glow na madalas i-follow nito ang mga pinupuntahan niyang mga lugar at restaurants. At sa kanyang pagbabalik sa London naganap ang una nilang pagkikita. Naimpress raw si Ate Glow matapos siya nitong dalhin sa isang magandang restaurant sa kanilang unang date.

Nasundan pa ng maraming beses ang kanilang pagkikita hanggang sa alokin na umano siya nito ng kasal.

Hindi naman maitatanggi na masaya at kontento na ngayon si Ate Glow sa kanyang napiling buhay sa piling ng kanyang gwapo at mapagmahal na asawa matapos lisanin ang showbiz.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *