Sila ang mga Sikat na Young Stars sa Showbiz na Nakapagpundar ng Sariling Bahay Bago Tumuntong sa Edad na 25

Ang pagsusumikap at pagtupad sa pangarap ay walang pinipiling edad. Dahil kapag pinagsama ang sipag, tiyaga, determinasyon at matinding dasal ay tiyak na matutupad ang anumang naisin sa buhay. Katulad na lamang nga ng mga young stars na ito sa industriya ng showbiz, na agad natupad ang pangarap na magkaroon ng sariling bahay bago pa man tumuntong sa edad na 25. Dahil sa kanilang pagsusumikap, ngayon nga ay tinatamasa na nila ang katas ng kanilang sipag at sakripisyo sa kanilang trabaho.

1. Julia Barretto

Ang Kapamilya actress na si Julia Barreto sa murang edad na 24, ay tinatamasa na ang bunga ng kanyang sipag at sakripisyo ng kanyang pagtatrabaho bilang isang mahusay na artista sa showbiz. At ngayon nga, ay nakatira na si Julia sa kanyang sariling bahay. Taong 2018, nang ibunyag ni Julia na ang kinikita niya sa trabaho ay kanyang iniinvest sa real estate. Ang nasabing bahay ay kalapit lamang ng bahay ng kanyang ina na si Marjorie Barretto.

Photo credits: Julia Barretto | IG

Photo credits: Julia Barretto | IG

Photo credits: Julia Barretto | IG

Photo credits: Julia Barretto | IG

2. Awra Briguela

Sa murang edad na 18 ay nakapagpundar na ng sariling bahay si Awra Briguela. Kahit nga bata pa ay nagawang imanage ni Awra ang kinikita sa kanyang trabaho dahilan upang makabili siya ng bahay sa Las Piñas. Si Awra ay gumanap na Makmak sa teleseryeng Ang Probinsyano na mismong si Coco Martin pa ang pumili. At noong 2017 naman, ay nagwagi siya bilang overall champion sa Your Face Sounds Familiar kung saan inimpersonate niya ang ibat ibang artists.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

3. Joshua Garcia

Ang dating PBB housemate at aktor na si Joshua Garcia, ay nakabili naman ng 3-storey town house na matatagpuan sa Quezon city para sa kanyang ama. Sa edad na 23 ay natupad na ni Joshua ang kanyang pangarap para sa kanyang pamilya. At sa umaarangkadang karera ni Joshua sa showbiz, ang susunod niyang tutuparin ay ang kanyang dream house.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

4. Ivana Alawi

Ang aktres at vlogger na si Ivana Alawi, na ngayon ay 24 taong gulang, ay maaga ring nakapagpundar ng bahay para sa kanyang pamilya. Minsan nang ipinakita ni Ivana sa kanyang vlog ang disenyo ng bagong bahay na kanyang ipinapagawa. Ibinunyag ni Ivana na hindi siya kumukuha sa perang kinikita niya sa YouTube dahil ito’y nakalaan para sa kanyang dream house. Ang disenyo naman ng bahay ay may kombinasyon ng white at gold.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

5. Andrea Brillantes

Bago ipagdiwang ng young star na si Andrea Brillantes ang kanyang 18th birthday ay nakamit na niya ang kanyang pangarap na makapagpatayo ng sariling bahay. Ang bahay na ito ay naisakatuparan ni Andrea, dahil sa teleserteng Kadenang Ginto. Matapos ang maraming taong pangungupahan sa apartment, ngayon nga ay masaya at komportable nang naninirahan ang pamilya ni Andrea sa kanilang bagong bahay. Sa edad na 7, ay nagsimula na si Andrea na ipamalas ang kanyang talento sa larangan ng pag-arte.

Photo credits: google.com

6. Loisa Andalio

Sa isang vlog ay ipinasilip na ng 22 taong gulang na si Loisa Andalio ang bahay na kanyang naipundar na bunga ng kanyang pagsisikap sa showbiz sa loob ng tatlong taon. Sinabi ni Loisa na hindi sila nag-hire ng professional para sa disenyo ng kanilang bahay. Sa isang house tour vlog kasama ang boyfriend nitong si Ronnie Alonte ay ipinasilip ng akres ang bawat bahagi ng bahay tulad ng living room, kitchen, dining area at bedroom.

7. Nash Aguas

Sa edad na 29, ay nakapagpundar na nh sariling bahay si Nash sa Las Vegas, Nevada sa Amerika. April 2019, nang isapubliko ni Nash ang tagumpay niyang ito, kung san ibinahagi niya sa isang Instagram post ang kuha ng larawan na hawak niya ang proof of ownership nito.

Photo credits: google.com

8. Ryzza Mae Dizon

Si Aleng Maliit na kilala naman bilang si Ryzza Mae Dizon ay 15 taong gulang. At sa murang edad ng batang aktres at TV host ay nakapagpundar na siya ng sariling bahay para sa kanyang matapos. Ito ay matapos ang maraming taong pangungupahan. Si Ryzza ay nakilala ng publiko matapos magwaging Little Miss Philippines sa Eat Bulaga kung saan ipinamalas niya ang kanyang talento at kabibohan.

Photo credits: google.com

9. Jillian Ward

Ang sumikat sa Trudi’s Liit na si Jillian Ward ay maaga ring natupad ang pangarap na magkabahay. Sa isang vlog ay ipinasilip ni Jillian ang kanyang naipundar na 3-storey house na matatagpuan sa Pampanga. Ayon kay Jillian sa Pampanga niya napiling magpatayo ng bahay, dahil dito naninirahan ang kanyang ama.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *