Sila ang mga Sikat na Showbiz Celebrities na may mga Adopted na Anak

Hindi nababase sa dugo ang pagmamahal at turing ng isang tunay na pamilya. Dahil kahit pa nga, hindi kadugo ay hindi na iba ang turing ng mga kilalang personalidad na ito sa kanilang adopted children. Parang isang tunay na anak kung ituring nila sa mga adopted nilang mga anak na talagang ipinaparamdam ang kanilang pagmamahal bilang bahagi ng kanilang pamilya.

Sila ang mga kilalang personalidad sa showbiz na may adopted na mga anak.

1. Kristine Hermosa at Oyo Sotto

Ang mag-asawang Kristine Hermosa at Oyo Sotto ay loving parents sa kanilang apat na anak. At ang panganay na anak na si Kristian Daniel ng mag-asawa na isang adopted child, ay hindi na iba sa kanilang mga tunay na anak.

Photo credits: google.com

Inalok si Kristine noon na mag-ampon noong 2008 at ang bagay na ito nga ay sinuportahan rin ni Oyo. Sa ngayon ay 12 taong gulang na si Kiel.

Photo credits: google.com

2. Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo

Sa edad na 26 at single pa lamang noon si Judy Ann Santos ay inampon na niya si Yohan. Kaya naman, nang ikasal si Juday kay Ryan ay buong pusong tinanggap ng TV host ang bata. Sa ngayon ay 16 taong gulang na si Yohan. Maliban kay Yohan ay may dalawang anak pa sina Juday at Ryan, sina Lucho at Luna.

Photo credits: google.com

3. Claudine Barretto at Raymart Santiago

Bago pa man mauwi sa hiwalayan ang relasyon nina Claudine at Raymart Santiago noon, at masaya pa ang kanilang pagsasama, ay nag-ampon sila ng bata. At ito nga si Sabina. Nagkaroon naman ng sariling anak sina Claudine at Raymart, ito si Santino. Matapos naman magkahiwalay ay muling nag-ampon si Claudine ng batang babae, siya naman si Quia. At noong nakaraang taon ay nag-ampon ulit siya, si Noah.

Photo credits: google.com

4. Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan

Taong 2012 nang ianunsiyo ng mag-asawang Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan na nag-ampon sila ng isang bata, si Miguel. Ngayon nga, legal na nilang anak ito na hawak na ang apelyidong Cuneta-Pangilinan. Unang ipinakilala sa publiko si Miguel noong 3 taong gulang pa lamang siya.

Photo credits: google.com

Maliban kay Miguel ay may dalawang babaeng anak pa ang mag-asawa, sina Frankie at Mariel Daniella. May anak rin si KC sa dating asawang si Gabby Concepcion, ang aktres na si KC Concepcion.

5. Susan Roces at Fernando Poe Jr.

Ang mag-asawang Susan Roces at Fernando Poe Jr, ay inampon ang Senadora na si Grace Poe. Ayon sa kwenti, ay iniwan sa labas ng simbahan sa Iloilo si Grace. At nakita ng isang babae, nagkataon naman na naging kaibigan ito ni Susan kung saan ay dinadala si Grace sa bahay nila. At noong anim na taong gulang na si Grace ay pormal na itong napabilang sa kanipang pamilya.

Photo credits: google.com

6. Nora Aunor at Christopher de Leon

Ang dating mag-asawang sina Nora Aunor at Christopher de Leon ay inampon ang apat nilang anak na sina Lotlot De Leon[9] Matet de Leon, Kiko at Kenneth. May biologocal son naman sila maliban sa apat na ampon siya si Ian de Leon. Nagkahiwalay ang mag-asawa noong 1996.

Photo credits: google.com

7. Ai-Ai delas Alas

Taong 2011 nang mag-ampon ng isang batang lalaki si Ai-Ai delas Alas, siya si Seth. Nang mga panahon na iyon, ay may tatlong anak na si Ai-Ai.

Photo credits: google.com

Nasangkot naman sa intriga ang komedyante matapos isipin ng marami na anak ng panganay niyang si Sancho ang batang si Seth. Ngunit, ito’y kanyang itinanggi at sinabi na magkamukha lamang ang mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *