Sila ang mga Sikat na Personalidad sa Showbiz na Nagmamay-ari ng Napakaganda at Nakakarelaks na Beach House at Resort

Napakasarap naman talagang magbakasyon lalo na tuwing summer. At ang hanap ng marami sa atin para mag-unwind at mag-relax, ay napakagandang tanawin na hatid ng beach. Kaya naman, ang mga sikat na personalidad sa showbiz, ay naglaan ng oras at salapi para lamang makapagpundar ng property malapit sa beach tulad ng mga beach house at resorts. Napakalaking bagay naman talaga ito sa kanila lalo na kung nais nilang lisanin ang maingay na syudad para mag-relax at magbakasyon kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Kilalanin ang mga sikat na personalidad sa showbiz na nagmamay-ari ng gmamay-ari ng napakaganda at Nakakarelaks na Beach Front Residence at Resorts.

1. Enrique Gil

Ang isa sa pinakasikat na aktor sa industriya ng showbiz na si Enrique Gil ay nakapagpundar noong 2016 ng five-story beach house sa Anilao, Batangas. Dito nga ay madalas silang magbakasyon ng kanyang pamilya.

2. Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos

Ang celebrity couple na sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos ay may sariling rest house sa Batangas. At dito sa tinawag nilang “bakawan” ay may swimming pool rin. Dito ay madalas dalhin ng mag-asawa ang tatlo nilang anak na sina Yohan, Lucio at Luna.

3. Carmina Villarroel and Zoren Legaspi

Sa Nasugbu, Batangas naman napiling magpatayo ng resort na malapit sa beach ng mag-asawanv Carmina at Zoren. At matatandaan na noong 2017, ay dito ginanap ang 16 birthday ng kambal nilang anak na sina Cassy at Mavy kung saan ay nagkaroon ng pool party.

4. Sam Pinto

Ang sexy actress na si Sam Pinto, matapos magpahinga sa showbiz, ay naging abala sa pagmamanage ng kanyang resort na Sirene Boutique sa Baler, Aurora. Ang nasabing resort ay dinarayo ng mga surfer.

Tunay na Buhay: Sam Pinto, ipinasilip ang kanyang beach resort sa Baler, Aurora

5. Katrina Halili

Hahangaan naman ang pagmamay-aring resort ng aktres na si Katrina Halili. Ito nga ay matatagpuan sa Corong-Corong, El Nido, Palawan. Ang lugat na kilala sa tawag na “land of the beautiful harbor”.

6. Manny and Jinkee Pacquiao

Ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao ay nagmamay-ari ng maraming properties. Isa na nga rito ang beach property na matatagpuan sa Glan, Saranggani. Ito ang nagsisilbing happy place ng kanilang pamilya. At sa pagdiriwang ng 40th birthday ni Jinkee, ay masaya nila itong ipinagdiwang sa nasabing resort.

Private Beach Tour

7. Derek Ramsay

Tila nasa paraiso rin ang pagmamay-aring isla ng pamilya ni Derek Ramsay. Ito ay matatagpuan sa San Vicente, Palawan,kung saan nakatayo ang bahay na may disenyong salamin. Dito masisilayan ang napakagandang tanawin na hatid ng karagatan, mapa-sunset o sunrise at ng mga bituin sa kalangitan pagsapit ng gabi.

8. Chris Tiu

Ang basketball player na si Chris Tiu ay nagmamay-ari ng Discovery Shores Boracay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *