Sila ang mga Sikat na Celebrities sa Showbiz na Nakapagpatayo ng Kanilang Dream House para sa Kanilang Pamilya

Ang mabigyan ng isang maganda at komportableng tahanan ang ating pamilya ay hahatid sa atin ng masayang pakiramdamn. Napakasarap naman talagang makita na ang bawat kasapi ng pamilya, ay nakakatulog ng maayos, at komportable sa loob ng bahay.

Kaya naman, lahat ay ginagawa natin para lamang makapagpatayo, at matupad ang dream house natin para sa ating pamilya. Isang tahanan kung saan sama-sama tayong mangangarap at bubuo ng masayang alaala.

Ating kilalanin ang mga sikat na celebrities sa showbiz na nakapagpatayo ng kanilang dream house para sa kanilang pamilya.

1. Ryan Eigenmann

Ang aktor na si Ryan Eigenmann ay pinaglaanan ang pagpapagawa ng dream house ng kanilang pamilya. Sa Instagram, ay ibinahagi ni Ryan ang maikling video kung saan makikita ang construction ng kanyang ipinapagawang bahay. Ang asawa ni Ryan ay si Cathy Boldalba isang commercial model, kung saan ang kanilang pagsasama ay biniyayaan ng tatlong anak.

2. Assunta de Rossi

Ang aktres na si Assunta de Rossi ay napangasawa naman si Jules Ledesma. At para sa kanilang pamilya, ay nagpatayo rin ng kanilang dream house ang mag-asawa. Ito nga ang kanilang bahay sa Essensa Upper Penthouse sa Bonifacio Global City sa Taguig. Napakaganda nitong tingnan sa moderno at elegante nitong disenyo.

3. K Brosas

Ang ipinatayo namang bahay ng singer at komedyanteng si K Brosas ay masasabi na bunga ng kanyang pagsusumikap na kanyang inilaan para sa kanyang pamilya.

4. Zanjoe Marudo

Ang aktor na si Zanjoe Marudo ay nagpatayo naman ng kanyang dream house sa probinsya upang kanyang malasap ang tahimik at masayang buhay probinsya. At ito nga ay matatagpuan sa hometown ni Zanjoe sa Tanauan, Batangas na taglay ang kahanga-hangang tanawin.

5. Rocco Nacino

Ang ipinatayong bahay naman ni Rocco Nacino, ay sadyang napakalaki at napakalawak. Ang 4-story house na ito ng aktor na may balkonahe ang bawat palapag ay matatagpuan sa Antipolo City.

6. Julia Barretto

Ang ipinatayong bahay ni Julia para sa kanyang sarili, ay dream come true para sa dalaga. Matagal na ngang pangarap ito ng aktres. At noong 2091, ay naisakatuparan na ito kaya naman labis ang kanyang pasasalamat.

7. Team Kramer

Bongga naman talaga ang bagong bahay ng pamilya Kramer. Plinano at pinag-isipang mabuti ng mag-asawang Cheska Garcia at Doug Kramer, ang kanilang dream house. Swak na swak naman talaga ang napakaganda at napakalaking bahay na ito sa pamilya Kramer, lalo na sa mga anak ng mag-asawa na sina Kendra, Scarlett at Gavin.

May theater room, study room at play area na ipinasadya ang mag-asawa para sa kanilang mga anak. May sarili rin itong playground at napakaganda rin tumambay sa pool area pagsapit ng gabi. Ang napakagandang bahay na ito ng Team Kramer ay matatagpuan sa tuktok ng bundok sa Antipolo City kung saan tanaw ang napakagandang tanawin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *