Ang buhay ng bawat isa sa atin na ipinagkaloob ng Maykapal ay hiram at pansamantala lamang. Kaya naman, dapat itong ingatan at pahalagahan. Ngunit, dahil nga, hiram lamang ang ating buhay ay hindi natin alam kung kelan ito kukunin, at kung kailan magtatagal ang ating buhay.
Sa hindi nga inaasahang pagkakataon ay marami ang binabawian ng buhay. Katulad na lamang nga ng mga sikat na artista sa showbiz noon na iniwan ang industriya dahil sa maaaga at hindi nila inaasahang pagpanaw.
1. Rico Yan
Ang dating aktor na si Rico Yan ay hinangaan ng marami dahil sa kanyang magandang looks at husay sa pag-arte noong dekada 90.
Photo credits: google.com
Ngunit, nagulat ang publiko sa kanyang biglaang pagpanaw habang nasa bakasyon kasama ang kanyang mga kaibigan.
Photo credits: google.com
Pumanaw si Rico Yan sa edad na 27 noong March 29, 2002 sa loob ng isang silid ng hotel sa Dos Palmas Resort sa Ouerto Princesa City, Palawan. Ayon sa ulat ang sanhi ng kanyang biglaang pagpanaw ay cardiac arrest due to acute hemorrhagic pancreatitis.
2. Miko Revilla Palanca
Si Miko Palanca ay isa ring aktor sa bansa na kilalang kapatid ng sikat na aktor na si Bernard Palanca.
Photo credits: google.com
Maraming proyekto ang ginawa ni Miko kung saan ay talagang ipinamalas niya ang kanyang talento sa pag-artr tulad ng Kay Tagal Kitang Hinintay, at It Might Be You. Ginulat ni Miko ang publiko matapos siyang matagpuang walang buhay sa edad na 41 noong December 9, 2019.
Photo credits: google.com
At ayon sa ulat ay hinihinalang tumalon umano si Miko sa building sa residential area ng Santolan Town sa San Juan. At base sa initial report ay suicide ang sahilan ng kanyang pagpanaw. May usap-usapan ring nadepressed umano ang aktor sa kanyang buhay pag-ibig.
3. Marky Cielo
Si Mark Angelo Cadaweng Cielo o Marky Cieolo ay isang Kapuso actor at mahusay na dancer noon. Matapos makilala sa talent reality show na StarStruck ay dinagsa na ng mga proyekto ang kanyang karera. Ngunit, natapos ang matagumpay na karera sa showbiz ni Marky sa edad na 20 anyos lamang.
Photo credits: google.com
Natagpuan ang katawan ni Marky na nakahandusay sa sahig ng bahay na kanyang tinutuluyan sa Antipolo City noong December 7, 2008. Nagawa pa siyang isugod ng kanyang ina sa pinakamalapit na hospital ngunit huli na. Ayon sa ulat, ay suicide umano ang sanhi ng pagpanaw ni Marky, pero may mga nagsabi naman na nakakatanggap umano ng banta ang aktor mula sa anak ng kilala at pinakamayamang angkan sa bansa mula sa Norte.
4. Miko Sotto
Si Miko ay isang matinee idol sa bansa at kilalang anak ng aktres na si Ali Sotto at pamangkin naman ng Sotto brothers na sina Vic Sotto, Val Sotto at Tito Sotto.
Photo credits: google.com
Sa edad na 21 ng bawian ng buhay si Miko noong December 29, 2003. Ayon sa ulat ang sandi ng pagpanaw ni Miko ay aksidenteng pagkahulog mula sa 9th floor sa gusali San Francisco Garden Plaza Condominium sa Bonifacio Avenue, Mandaluyong. Kasama noon ni Miko ang pinsang si Oyo Sotto nang maganap ang malagim na aksidente.
Photo credits: google.com
Ayon kay Oyo at sa security guard na nakakita ng pangyayari, ay nakaupo umano si Miko sa railings ng gusali, at nang paalis na ang kanyang mga kaibigan ay nagmamali itong bumaba ngunit aksidente nitong natapakan ang paso ng halaman dahilan upang mawalan ito ng balanse na sanhi ng pagkahulog.
5. Antonello Joseph “AJ” Sarte Perez
Si AJ Perez ay hindi inaasahang nasawi sa edad na 18 noong April 17, 2011 nang maaksidente ang sinasakyang service van pauwi sa kanilang tahanan matapos niyang dumalo sa isang show sa Dagupan.
Photo credits: google.com
Ayon sa ulat, ay nag-overtake umano ang sinasakyang van ng aktor nang mabangga ito ng kasalubong na bus. Naisugod pa sa hospital ang aktor ngunit agad itong binawian ng buhay.
6. Arvin “Tado” Jimenez
Ang komedyanteng si Tado ay agad ring binawian ng buhay sa edad na 39 noong February 7, 2014.
Photo credits: google.com
Nasawi ang buhay ni Tado matapos mahulog ang sinasakyang bus sa bangin ng Bontoc Mountain Provice. Ayon sa ulat ay nagkaroon ng mechanical problem ang bus dahilan nga ng aksidente. At ang bilang ng nasawi sa malagim na aksidente ay 15 kasama na nga rito ang komedyante.