Sila ang mga Sikat na Aktor na Naging Waiter Muna Bago Pumasok at Makilala sa Showbiz

Hindi biro ang trabaho ng isang restaurant staff o waiting staff sa mga bar o restaurant staff. Sila nga ang responsable upang mabigyan ng maayos na serbisyo ang mga customer. Sila rin ang kumukuha ng mga orders ng mga customer, at naghahanda ng orders para sa mga customers.

Bagama’t, mahirap at nakakapagod na trabaho lalo na nga kung maraming customer ang kumakain sa restaurant, ay marami naman ang nagsisimula sa ganitong uri ng trabaho bago nila masumpungan ang tagumpay sa kanilang karera ngayon.

Kilalanin ang mga aktor sa showbiz na naging waiter muna, bago pasukin ang mundo ng showbiz upang maging artista.

1. Coco Martin

Photo credits: google.com

Ang aktor na si Coco Martin ay nagtapos ng Hotel ang Restaurant Management sa National College of Business and Arts sa Fairview Quezon City. Kaya naman, ang natapos na kurso ay kanyang nagamit nang magtrabaho siya bilang waiter sa isang chain ng Max’s sa kinalakhan bayan. At doon nga ay nadiskubre siya ni Rene Dela Cruz, assistant ni Johnny Manahan na kilalang big boss ng Star Magic. Unang nakilala si Coco sa bilang kasapi Star Circle Batch 9.

2. Jericho Rosales

Photo credits: google.com

Ang hunk actor na si Jericho Rosales, ay minsan na ring naging food server sa buhay niya nang magtrabaho sa restaurant ang kanyang ina. Ngunit, maliban rito ay naging fish vendor rin siya sa isang public market kasama ang kanyang ina. Nakilala naman si Jericho nang sumali siya sa “Mr. Pogi” sa Eat Bulaga, dalawag dekada na ang nakakalipas. At ngayon nga, ay isa siya pinakasikat at ipinagmamalaking artista ng ABS-CBN.

3. Marvin Agustin

Photo credits: google.com

Nagsimula rin si Marvin Agustin sa kanyang buhay, bilang waiter sa isa sa mga branch ng Tia Maria sa Alabang, at siya nga ang pinakabata sa mga staff ng nasabing Mexican restaurant. Maliban rito, ay marami pang trabahong pinasok si Marvin bago tuluyang makilala sa showbiz. Naging isa rin siyang vendor, driver, mascot, at clerk sa isang video store. Matapos nga ang ilang taon pagtatrabaho, ay nagpasyang makipagsapalaran si Marvin sa showbiz kung saan ay napabilang siya sa Star Magic batch 2 noong 1996.

4. Piolo Pascual

Photo credits: google.com

Maliban sa pinasok na trabaho bilang isang security, ay naging waiter rin ang Kapamilya hunk na si Piolo Pascual noong nag-aaral pa lamang siya ng high school. Taong 1994 nang naging bahagi siya ng programa ng namayapang si German Moreno, ang That’s Entertainment. Ngunit, matapos ang dalawang taon, ay nag-migrate ang kanilang pamilya sa U.S. At sa pagbabalik showbiz ni Piolo noong early 90’s ay dito na nga umarangkada ang kanyang karera sa showbiz sa teleseryeng Esperanza kung saan nakasama niya ang aktres na si Judy Ann Santos. At ngayo nga, ay isa na siya sa pinakasikat at matagumpay na aktor sa showbiz.

5. Diether Ocampo

Photo credits: google.com

Ang aktor na si Diether Ocampo ay naging service crew ng Pizza Hut, matapos tumigil sa pag-aaral sa kursong Physical Therapy sa De La Salle University-Dasmarinas. Matapos kuning endorser, ay naging bartender naman siya sa Steel Bar, Quezon City. May natatanging talento rin sa pagsayaw si Diether, dahilan nga para pumasok rin siya bilang isang dancer. Taong 1996 naman nang maging bahagi siya ng Star Magic Circle Batch 2 kung saan ay ipinamalas niya ang kanyang talento bilang mahusay na aktor ng ABS-CBN.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *