Sila ang mga Pinoy Celebrities na Napaibig at Nabihag ang Puso ng Isang Beauty Queen

Sadyang kaakit-akit naman talaga ang ganda at karisma ng mga babae, dahilan nga upang mapaibig at humanga ang mga kalalakihan. Ngunit, wala na yatang makakapantay pa sa angking ganda ng isang beauty queen. Kapag reyna na ng kagandahan ang nakasama sa buhay ay tiyak na walang kapantay na kaligayahan ang hatid nito. At kapag isang beauty queen ang napaibig ng isang lalaki, ay tiyak na ito na marahil ang pinakamaswerteng lalaki sa buong mundo.

Kilalanin ang mga lalaking napaibig at nabihag ang puso ng isang beauty queen.

1. John Prats with Fabio Ide with Bianca Manalo

Photo credits: google.com

Ang aktres na si Bianca Manalo ay nagwaging Binibining Pilipinas Miss Universe 2009, at naging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe 2009. Sa angking ganda ni Bianca, ay dalawang male celebrities sa showbiz ang kanyang napaibig. Unang napaibig ni Bianca ang aktor na si John Prats nang magkasama sa programa ng ABS-CBN na Happy Yipee Yehey bilang mga host noong 2011. At nagkahiwalay naman sila ng taong 2012. Pagsapit naman ng taong 2015, ay naging boyfriend naman ni Bianca ang aktor na si Fabio Ide ngunit hindi naman nagtagal ang kanilang relasyon.

2. Sam Milby with Catriona Gray

Photo credits: google.com

Taong 2019 nang maging opisyal ang relasyon ng aktor na si Sam Milby sa Miss Universe 2018, na si Catriona Gray. Sa isang Instagram post, at mismong pagdiriwang ng 36th birthday ni Sam, inanunsiyo ng dalawa ang kanilang relasyon bilang magkasintahan.

3. Clint Bondad with Catriona Gray

Photo credits: google.com

Ang Miss Universe 2018 na si Catriona Gray ay nasa isang long-time relationship noon sa piling ng kanyang boyfriend na si Clint Bondad. Ngunit, matapos ang anim na taon nilang relasyon ay naghiwalay ang dalawa noong 2019. Ayon naman sa mga ito, ay desisyon nila pareho ang kanilang paghihiwalay. Pero binigyang diin naman ni Clint na siya ang puno’t dulo kung bakit sila nagkahiwalay ni Catriona.

4. Marlon Stockinger with Pia Wurtzbach

Photo credits: google.com

Nagsimula ang pag-iibigan ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Marlon Stockinger sa pamamagitan ng palitan ng mensahe sa social media. Ang kanilang relasyon ay tumagal ng tatlong taon kung saan sila’y naghiwalay noong 2019. Masaya naman na ngayon si Pia sa piling ng kanyang boyfriend na si Jeremy Jauncey.

5. John Lloyd Cruz with Ruffa Gutierrez

Photo credits: google.com

Taong 2008 nang makasama sa trabaho sina John Lloyd Cruz at Ruffa Gutierrez. Ang kanilang relasyon ay nagsimula sa pagiging magkaibigan. At noong 2009, ay naging magkarelasyon na sila ngunit ito’y kanilang inilihim sa publiko. Pagdating ng taong 2010 ay tuluyan ng natuldukan ang kanilang ugnayan.

6. Jake Cuenca with Kylie Verzosa

Photo credits: google.com

Sa teleseryeng Ang Panday pa lang raw ay may pagtingin na si Jake kay Kylie, ngunit ito’y binalewala ng beauty queen. Hanggang sa maging magkatambal sila sa Los Bastardos kung saan ay nahulog na sa isa’t isa. Ayon kay Kylie, ay noong una ay hindi niya gusto si Jake dahil sa smoking habit nito, pero sa huli nga ay nanaig ang kanyang pagmamahal sa aktor. Taong 2019, nang maging ospisyal ang kanilang relasyon.

7. Mark Herras with Winwyn Marquez

Photo credits: google.com

Ang pag-iibigan nina Mark Herras at Winwyn Marquez ay nagsimula noong 2015 nang magkatrabaho sa Little Nanay. Ngunit, taong 2019 ay marami ang nagulat nang inamin ni Winwyn na hiwalay na sila. Tumagal naman ng dalawang taon ang kanilang relasyon.

8. Mikael Daez With Megan Young

Photo credits: google.com

Kinumpirma ni Mikael Daez at Megan Young ang kanilang relasyon noong 2017. Ngunit, bago pa man maganap ang kanilang pag-amin, ay anim na taon na silang magkasintahan. Nagpasya ang dalawa na ilihim sa publiko ang kanilang relasyon para magkaroon ng privacy. Sa ngayon, ay ganap ng mag-asawa sina Mikael at Megan.

9. Aga Muhlach with Dayanara Torres

Photo credits: google.com

Ang aktor na si Aga Muhlach at Puerto Rico beauty queen na i Dayanara Torres ang nagsimula ang pag-iibigan noong 1994. Ngunit, nagtagal lamang ang kanilang relasyon ng apat na taon dahil noong 1998 ay opisyal silang naghiwalay. Kasal at may dalawang anak na ngayon si Aga sa kanyang asawang si Charlene Gonzales na isa ring beauty queen.

10. Ogie Alcasid with Michelle Van Eimeren

Photo credits: google.com

Matapos sumali sa isang international pageant ang Miss Universe 1994 finalist na si Michelle Van Eimeren, ay matagal siyang nanatili sa Pilipinas. Matapos makilala ang singer na si Ogie Alcasid, ay nauwi sa pag-iisang dibdib ang kanilang relasyon. Ikinasal sila noong 1995 kung saan ay nagkaroon sila ng dalawang anak. Matapos ma-annulled ang kanilang kasal noong 2007, ay muling nagpakasal Michelle noong 2009 at si Ogie naman ay ikinasal noong 2010 sa kapwa singer na si Regine Velasquez, at ngayon ay may isa na silang anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *