Sila ang mga Kilalang Celebrities na Dati Nang Mayaman Bago Pa Man Pumasok sa Industriya ng Showbiz at Makamit ang Kasikatan

Kung may mga sikat na celebrities sa showbiz na mula sa hirap at nagsumikap para lamang matupad ang pangarap na mabago ang buhay at makaahon sa kahirapan, may mga sikat na celebrities rin na dati nang mayaman, bago pa man pumasok sa industriya ng showbiz at makamit ang kasikatan.

1. Sunshine Dizon

Bago pa man sumikat si Sunshine Dizon sa showbiz, ay taglay na niya ang kayamanan na mula sa kanyang mga magulang. Ang ina ni Sunshine ay producer ng mga pelikula samantalang manager naman ng casino sa Amerika ang kanyang ama.

Photo credits: Sunshine Dizon | IG

2. Heart Evangelista

Noon pa man ay matunog na ang pangalan ni Heart Evangelista bilang isa sa pinakamayamang personalidad sa showbiz. Si Heart ay mula sa mayamang angkan ng Ongpauco na nagmamay-ari ng Barrio Fiesta restaurants.

Photo credits: Heart Evangelista | IG

3. Paul Jake Castillo

Hindi biro ang angking yaman ni Paul Jake Castillo dahil ang kanyang pamilya ay nagmamay-ari ng International Pharmaceuticals Inc.

Photo credits: Paul Jake Castillo | IG

4. Lucy Torres Gomez

Kilala na ang pamilya ni Lucy Torres sa dami ng kanilang properties sa Ormoc city. At isa na nga rito ang napakalawak na sugarcane plantation.

Photo credits: Lucy Torres Gomez| IG

5. Maine Mendoza

Ang pamilya naman ni Maine Mendoza ay masasabi na napakayaman rin. Ang pamilya ng aktres at TV host ay nagmamay-ari ng sariling gasoline station at fast food chain franchise.

Photo credits: Maine Mendoza | IG

6. Derek Ramsay

Ang aktres na si Derek Ramsay ay napakayaman rin. Ang kanyang pamilya ay nagmamay-ari ng maraming real estate properties. At ang ilan sa mga ito ay matatagpuan sa Tagaytay, Batangas at Palawan.

Photo credits: Derek Ramsay | IG

7. Kris Aquino

Sa simula’t sapul ay kilala na nagmula sa mayamang angkan si Kris Aquino. Siya nga ay mula sa prominenteng political clan ng mga Cojuangco.

Photo credits: Kris Aquino | IG

8. Matteo Guidicelli

Ang aktor na si Matteo Guidicelli ay hindi rin maikakaila ang angking kayamanan. Ang Ang kanyang Italian father ay nagmamay-ari ng isang malaking manufacturing business. Maliban rito, siya rin ay kilalang apo ng namayapang Philippine Senator at Chief Justice na si Marcelo Fernan.

Photo credits: Matteo Guidecilli | IG

9. Richard Yap

Mula sa isang mayaman at pure Chinese family si Richard Yap. Ang kanyang pamilya at maraming pinapatakbong negosyo sa Cebu, bago pa man siya makilala at sumikat sa showbiz.

Photo credits: Richard Yap | IG

10. Ellen Adarna

Walang duda ang angking kayamanan ni Ellen Adarna kung saan mayroong hotel at construction business ang kanyang pamilya sa Cebu.

Photo credits: Ellen Adarna | IG

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *