Sikat na Vlogger na si Zeinab Harake, Naging Emosyunal ng Ibinahagi ang kanyang Naging Karanasan sa Pagbubuntis Hanggang sa Panganganak

Isinilang na ng sikat na vlogger na si Zeinab Harake ang kanyang healthy baby girl, at sa kanyang latest youtube upload ibinahagi niya ang kanyang journey sa panganganak sakanyang baby girl na pinangalanan nilang si Baby Bia.

May 1, ng isilang ni Zeinab ang kanyang baby girl na si Bia at ito ay ibinahagi ng kanyang partner na si Skusta Clee sa kanyang instagram account.

“Pinaka magandang nangyari sa buong buhay ko” caption ni skusta clee sa kanyang instagram post.

Nagbahagi din ng mga larawan si Zeinab sa kanyang IG Acoount kung saan may caption na,

“Welcome to the beautiful word bia”

Sa bagong upload na youtube video ni zeinab, ibinahagi niya ang naging journey na nagsimula sa pag bubuntis hangang panganganak. Hindi din napigilan ng vlogger na maging emosyunal ng ikwento niya ang kanyang mga pinagdaanan. At ayon sakanya ay sobrang worth it ang kanyang mga naranasan na hirap at sakit sa panganganak. Sobra din itong nagpapasalamat sa diyos dahil naging safe ang kanyang panganganak.

Isang part ng video, nakita din na nagsisimula ng mag breast pump si Zeinab ng gatas para sakanyang anak. Ayon dito na ayaw pa daw dumede sakanya ni bia kaya napilitan muna itong mag pump. Kitang kita sa itsura ni Zeinab at Skusta ang kasiyahan ngayong dumating na sa buhay nila si Baby Bia.

Matatandaang December 1 noong nakaraang taon ng ibunyag ni Zeinab na buntis siya, at dito sunod sunod ang kanyang naging video upload na makikitang super excited na sila sa pagdating ng kanilang anak. Ibinahagi niya ang mga importanteng moments katulad ng Gender Reveal kung saan marami ang humanga, dahil imbis na lobo ay fireworks ang kanilang way para malaman kung lalaki ba o babae ang kanilang anak.

Isa pa sa mga hinangaan ng kanyang fans ay ang kanyang naging maternity shoot kung saan nag ala princessa sya ng disney matapos mag suot ng ibat-ibang Disney Princess Costume.

Narito at panoorin ang video upload ni Zeinab na pinamagatan niyang “My Journey / Delivery ( Bia is Home)”

MY JOURNEY / DELIVERY (BIA IS HOME) ❤️ | ZEINAB HARAKE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *