Connect with us

Entertainment

Sam Pinto, Napakaseksi parin sa Suot na Bikini Kahit Lumalaki na ang Kanyang Baby Bump

Pinahanga ng dating Bubble Gang star at modelo na si Sam Pinto ang mga netizens matapos masilayan ang napakaganda at napakaseksi nitong larawan sa suot na bikini.

Talagang agaw pansin ang larawan ni Sam, dahil kahit makikita ang lumalaki niyang tiyan ay litaw na litaw parin ang kanyang kaseksihan sa suot na bikini. Ang napakagandang kuha ng larawan ni Sam na talaga namang napakaseksi ay kuha sa isang resort sa Baler, Aurora.

Nito lamang ika-25 ng Mayo ng ibahagi ni Sam sa Instagram ang kanyang larawan habang nakasuot ng pink bikini. Sa nasabing post, ay mababakas ang excitement ni Sam na makasama ang kanyang baby.

“Can’t wait to enjoy it with you my little mermaid.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sam Pinto – Semerad (@sampinto_)

Marami sa mga netizens ang nag-iwan ng komento sa naturang post ni Sam. Kabilang na nga rito ang kanyang asawang si Anthony Semerad, na mababakas rin sa komento ang excitement at kanyang sister-in-law na si Gwen Zamora.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sam Pinto – Semerad (@sampinto_)


Matatandaan na noong May 5, nang ianunsiyo ng mag-asawang Anthony at Sam ang nalalapit nilang pagiging ganap na mga magulang sa kanilang panganay na anak. Ibinunyag rin ng mag-asawa sa isang gender reveal vlog na mapapanood sa Youtube Channel ni Sam, na isang baby girl ang inaasahan nilang sanggol na siyang kokompleto sa kanilang pamilya. At ang kanilang baby girl, ay naisip nilang pangalanan ng Mia Aya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sam Pinto – Semerad (@sampinto_)

Noong November 2019, nang maengaged sa isa’t isa sina Anthony at Sam sa Australia. At noon ngang March 8, ay naisakatuparan na ang kanilang pag-iisang dibdib. Nagpalitan ng kanilang sumpaan sina Sam at Anthony sa pamamagitan ng isang intimate wedding ceremony na naganap sa Conrad Manila sa Pasay City.

Si Sam Pinto ay nagsimula sa kanyang karera bilang isang print-ad and TV commercial model. Sa edad na 10, nang una siyang maging model ng Coca-Cola. Marami pa siyang mga TV ads at print ads na kanyang ginawa. Samantala, mas lalo naman siyang nakilala ng publiko nang mapabilang siya sa mga housemate ng bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother: Double Up.

Photo credits: Sam Pinto | IG

Maliban sa pagiging mahusay na aktres at modelo, ay kilala rin si Sam bilang isa sa pinakaseksing babae sa industriya ng showbiz. Dahil nga sa kanyang angking ganda at kaseksihan ay ilang ulit na siyang kinuhang cover ng magazine. Ilan nga rito ay Woman Today, Gadgets Magazine, at naging covergirl para July issue ng FHM magazine noong 2010. Siya naman ang itinanghal na noong 2011 at 2012 na FHM Philippines’ Sexiest Woman in the World.

error: Content is protected !!