Connect with us

Entertainment

Rayver Cruz Ipinasilip sa Publiko ang Kanyang ‘Newly Furnished House’ na may Mid-Century Industrial Bachelors Pad Design

Lahat nga naman tayo ay may kanya-kanyang pangarap sa ating buhay na nais mabigyan ng katuparan. Ang iba nga ay naisakatuparan na natin at ang iba ay patuloy pa rin nating pinagtatrabahuan upang ating makamtan.

Samantala, maging ang ilan sa ating mga kilalang celebrity ay may kanya kanya ding mga pinapangarap sa buhay. Kagaya na lamang ng aktor na si Rayver Cruz, na noon pa man ay pangarap na ang magkaroon ng kanyang sariling tahanan. At ngayon nga, sa kanyang ilang taon na pagsisipag sa kanyang trabaho sa industriya ng showbiz, ay nabigyan na nga ng katuparan ni Rayver ang pangarap niyang tahanan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz)

Matatandaan nga na noong buwan ng Disyembre noong nakaraang taong 2020, ay ibinahagi ni Rayver sa publiko sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ang panibagong milestone sa kanyang buhay. Kung saan ito nga ay ng mabili niya ang kanyang kauna-unahang sariling tahanan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz)

Agad naman nga itong ipina-renovate ng aktor para mas mag mukhang ‘dream home’ niya, at ngayon nga ay malapit na malapit na itong matapos at makumpleto.
Base sa mga naging ulat, upang maisakatuparan ang kanyang dream house sa kanyang nabiling bahay, ay humingi ng tulong si Rayver sa Moss Design House interior designer, ang mag-asaawang Cyndi Fernandez at Mado Beltran.

Photo credits: Mr & Mrs B of Moss Design House | Youtube

“He wants it to feel like a bachelor’s pad”, ang naging saad ni Cyndi. Kaya naman ang goal talaga nila ay ang gawing little intimate ang tahanan na ito ni Rayver Cruz.
Sa mga larawan ngang ibinahagi ay makikita na nag tema na ginawa nila sa renovation ng bagong tahanan ng aktor ay mid-century industrial theme, na ang pinaka agaw pansin ngang kulay ay ang dark color palette.

Photo credits: Mr & Mrs B of Moss Design House | Youtube

Makikita naman sa may bandang living area na mula sa plain white walls ay ginawa ito ng grupo ni Cyndi na walls na may cement-like wallpaper para mas bigyan ito ng kulay at atrkasyon.
Kapansin-pansin rin na walang television sa living area ng tahanan na ito ng aktor, kung saan ayon nga sa designer nitong si Cyndi ay hindi pa nais ni Rayver na maglagay ng TV sa nasabing bahagi ng tahanan dahil sa mayroon na siyang entertainment area.

Photo credits: Mr & Mrs B of Moss Design House | Youtube

At dahil nga sa walang telebisyon sa living area, ay nagdesisyon ang Moss Design House team na mag set-up sa bahagi na iyon ng tahanan ng isang big shelf, na pinaglagyan nila ng mga memorabilia ng aktor na siya ngang magsisilbing focal point sa naturang espasyo ng living area.

Photo credits: Mr & Mrs B of Moss Design House | Youtube

Pagdating naman sa entertainment area ni Rayver ay masasabi ngang isa ito sa pinaka coziest spot sa loob na bahagi ng kanyang bagong tahanan. Makikita rito ang ilang mga framed photos na nakasabit sa wall, na nagbigay dito ng accent.

Photo credits: Mr & Mrs B of Moss Design House | Youtube

Maliban pa dito, para mas maging kumportable ang tambayan spot na ito ng aktor, ay naglagay din ang grupo ni Cyndi dito ng leather couch na may ternong mga printed throw pillows.

Photo credits: Mr & Mrs B of Moss Design House | Youtube

Mula nga sa isang simpleng bahay na nabili ng aktor na si Rayver Cruz ay mas nabigyan ito ng kulay at napakaganda pa lalo ng Moss Design House team. Kaya naman talagang masasabi na natin na ang pangarap ngang bahay ni Rayver ay kanya ng na-achieve.

error: Content is protected !!