Private Beach Resort ni Senator Manny at Asawang si Jinkee Pacquiao, Mas Pinaganda pa Matapos nila itong ipa Landscape Design

Ang pamilya ng Pambansang Kamao at Senador na si Manny Pacquiao ay kilala na ng publiko bilang isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa. Hindi naman na ito nakapagtataka sa dami ng kanilang pagmamay-aring properties.

At isa sa ipinagmamalaki ng pamilya Pacquiao ay ang napakagandang private beach resort na matatagpuan sa Sarangani Province. Sa ganda at lawak nito ay maihahalintulad ito sa isang mansiyon.

Ngunit, hindi lamang nga ganda ng bahay ang mapapansin sa kanilang private resort, kundi pati na rin ang mga halamang makikita rito ay sadyang napakaganda rin.

Photo credits: Green N’ Style Landscape and Design | Youtube

Malaki ang pagkahilig ng mag-asawang Jinkee Pacquiao at Manny Pacquiao, sa iba’t ibang klase ng halaman. Malaking bagay naman talaga ito para maging maganda ang isang lugar. Nagbibigay ito ng kulay at buhay na siyang dahilan para magmukhang maganda at maaliwalas ang kapaligiran.

Photo credits: Green N’ Style Landscape and Design | Youtube

Kaya naman, ang mag-asawang Manny at Jinkee ay kumuha ng sarili nilang landscape designer upang mapanatiling maganda ang paligid ng kanilang private beach resort. At ang nasa likod ng napakagandang disenyo sa paligid ng kanilang private resort sa Sarangani, ay Green N’ Style Landscape and Design na pinangungunahan ng mahusay na landscape designer na si Roy Bacalso.

Photo credits: Green N’ Style Landscape and Design | Youtube

Matagal nang nangangalaga at nagpapaganda ng mga properties ng mga Pacquiao si Roy, at ang isa sa nagawa niyang proyekto sa pamilya Pacquiao ay ang pagandahin ang private resort sa Sarangani.

Photo credits: Green N’ Style Landscape and Design | Youtube

Minsan ng ipinasilip ni Roy sa isang vlog na mapapanood sa Youtube Channel ng Green N’ Style Landscape and Design ang ginawa niyang disenyo para magmukhang kaaya aya ang kapaligiran sa private resort. Sa nasabing vlog, ay kasama rin ni Roy ang may bahay ni Manny na si Jinkee.

Photo credits: Green N’ Style Landscape and Design | Youtube

Sa ibinahaging video ay makikita ang paglilibot nina Jinkee at Roy sa private beach resort. At makikita na talagang napakaganda ng lugar na binigyang kulay ng iba’t ibang klase ng mga halaman at mga bulaklak.

Photo credits: Green N’ Style Landscape and Design | Youtube

Talaga namang hahangaan ang ganda at disenyo ng landscaping na ginawa ni Roy sa resort at talagang nagustuhan ito ni Jinkee. Kitang-kita naman mula sa himpapawid ang angking ganda ng resort, at ang gandang ito ay hatid ng mga luntian at makukulay na halaman na nakapaligid rito.

Photo credits: Green N’ Style Landscape and Design | Youtube

Napakasarap sa mata ang tanawin ng hatid ng kapaligiran. Tiyak nga na sa tuwing bibisita at magbabakasyon rito ang pamilya Pacquiao ay naeenjoy nila ang magandang tanawin at sariwang hangin.

Photo credits: Green N’ Style Landscape and Design | Youtube

Photo credits: Green N’ Style Landscape and Design | Youtube

Maliban sa private beach resort ng mga Pacquiao ay si Roy rin ang may gawa ng napakagandang landscape at disenyo ng mga halaman sa mansiyon ng mga Pacquiao sa General Santos City.

Manny and Jinkee Pacquaio Private Beach Resort - Landscaping and Design by Green N' Style

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *