“Pinapatawad na kita”: Komedyanteng si Jobert Austria, Naging Emosyunal sa Muling Pagkikita Nila ng Kanyang Biological Mother Matapos ang 50 Taon

Napakasarap sa pakiramdam ang may makagisnang ina na siyang mag-aalaga at magiging kaagapay sa buhay. Sadyang napakapalad ng mga anak na nasilayan ang kanilang ina mula pagsilang hanggang sa kanilang pagtanda. Ngunit, may ilang anak naman, na pinagkaitan ng tadhana na makapiling ang kanilang ina, dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari.

Nakakalungkot isipin ang reyalidad ng buhay, kung saan may mga anak na nawalay sa kanilang ina noong sanggol pa lamang sila. Katulad na lamang nga ng komedyanteng si Jobert Austria o mas kilala sa industriya ng showbiz bilang Kuya Jobert.

Lingid sa kaalaman ng marami, sanggol pa lamang ay hindi na nakagisnan ni Kuya Jobert ang kanyang ina sa kadahilanang ipinaampon siya nito. Kaya naman mula pagsilang, ay hindi na niya ito nakita.

Photo credits: KuyaJobertTV | Youtube

Ngunit, nitong ika-7 ng Mayo, ay isang magandang balita ang hatid ni Kuya Jobert sa kanyang vlog, dahil matapos ang 50 taong hindi pagkikita, ay itinakda na ng tadhana ang muli nilang pagkikita ng kanyang tunay na ina.

Photo credits: KuyaJobertTV | Youtube

Photo credits: KuyaJobertTV | Youtube

Ito nga ang pinakaimportante araw para kay Kuya Jobert dahil matapos ang 50 taon, ay makikita, mayayakap at mahahagkan na niya ang kanyang tunay na ina na si Armanda Villanueva.

Sa kabila ng mahabang panahong nawalay sa ina, at napuno ang kanyang isip ng mga katanungan, ay labis naman ang pasasalamat ni Kuya Jobert dahil sa wakas nga ay makakapiling na niya ang kanyang tunay na ina na matagal niyang hindi nakita.

Photo credits: KuyaJobertTV | Youtube

Sa unang pagkikita ay magkahalong emosyon ang nadama ni Kuya Jobert ngunit mas nangibabaw ang kanyang labis na kaligayahan dahilan nga upang maiyak habang yakap ng mahigpit ang kanyang ina.

Photo credits: KuyaJobertTV | Youtube

Photo credits: KuyaJobertTV | Youtube

Photo credits: KuyaJobertTV | Youtube

Sa gitna ng kanilang emosyunal na pagkikita, ay nagpaliwanag naman si Nanay Armanda ang dahilan kung bakit niya nagawang ipaampon noon si Kuya Jobert. At ito ay dahil sa matinding kahirapan ng buhay. Sa kabila nga nito, bilang isang ina ay sadyang napakasakit sa kalooban ni Nanay Armanda na basta na lang ipamigay ang kanyang anak.

“Ang tagal ko siyang hindi nakita. Biruin mo, 50 years siguro. Tagal na kasi bagong panganak pa lang yon binigay na siya ng nanay ko don sa nag-ampon,” sabi nito.

Photo credits: KuyaJobertTV | Youtube

Photo credits: KuyaJobertTV | Youtube

Anuman ang naging rason ng kanyang tunay na ina, ay bukal sa loob na tinanggap ito ni Kuya Jobert at buong pusong pinatawad ang kanyang ina.

“Pinapatawad na kita kahit na hindi kita niyakap nu’ng mga panahong mag-isa lang ako. Ang hirap-hirap kaya nu’ng bata pa ako. Minsan umiiyak ako, hindi ko alam. Iba yung pakiramdam ng totoong nanay, di ba?”madamdaming sabi ni Kuya Jobert.

Matapos naman ang kanilang madamdaming pag-uusap, ay magkasamang kumain ang mag-ina sa unang pagkakataon.

Photo credits: KuyaJobertTV | Youtube

Samantala, nakita ni Kuya Jobert ang kanyang tunay na ina sa tulong ng nagngangalang Jeremy Minorca na nagpadala sa kanya ng mensahe sa Facebook kung saan ay sinabi na hinahanap umano siya ng kanyang tunay na ina na naninirahan sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Ang Muling Pagkikita | Jobert Austria

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *