Pauleen Luna, ibinahagi ang pagiging bibo ng kaniyang anak na si Tali Sotto na marunong magbilang sa anim na magkakaibang wika

Dahil sa talamak na ang paggamit at impluwensiya ng social media, ay hindi na rin natin maiwasang makita, mapanuod ang mga nangyayari o maging ang mga kaganapan sa buhay ng bawat tao, maging ito man ay sikat o mga taong nais gumawa palang ng pangalan.


Photo Credits: Pauleen Luna-Sotto |Instagram


Photo Credits: Pauleen Luna-Sotto |Instagram
Kaya naman bawat tao ay may kaniya-kaniyang personalidad na hinahangaan at sinusubaybayan pagdating sa mundo ng showbusiness. Sinusubaybayan natin sila dahil may mga nakukuha o natututunan tayong mga magaganda at makabuluhang payo o tips, nariyan ang kung paano natin i-handle ang ating pamilya, mga tips sa pag-aalaga ng mga anak, pagbibigay ng aliw at kasiyahan sa mga nanonood at kung minsan ay dahil na rin sa sila ang iniidolo at kinatutuwaan ng ating mga anak.


Photo Credits: Pauleen Luna-Sotto |Instagram


Photo Credits: Pauleen Luna-Sotto |Instagram

Bilang isang ina ay hindi maikakaila na talaga namang nasisiyahan at tuwang-tuwa tayo sa mga bagay na natututunan ng ating mga anak. Kaya naman sobrang natutuwa tayo na ipakita at ibahagi ito sa mga tao.


Photo Credits: Pauleen Luna-Sotto |Instagram


Photo Credits: Pauleen Luna-Sotto |Instagram

Katulad na lamang ng isang proud na ina na si Pauleen Luna na masayang ibinahagi sa social media ang isang bidyo ng kaniyang anak na si Tali Sotto na kung saan ay mapapanuod at maririnig dito ang pagbibilang ni Tali ng 1 hanggang 10 bigkas ang anim na magkakaibang wika na Spanish, French, Japanese, Chinese, Tagalog, at English.


Photo Credits: Pauleen Luna-Sotto |Instagram

Matapos ang mahigit apat na taong magkasintahan ng dalawa, sina Pauleen Luna at Vic Sotto ay ikinasal sa St. James The Great Parish Church na matatagpuan sa Ayala Alabang, Muntinlupa noong Sabado ng Enero 30, 2016.


Photo Credits: Pauleen Luna-Sotto |Instagram

Ang kanilang matamis at masayang pagmamahalan ay biniyayan ng isang napakacute at munting anghel na si Talitha Maria “Tali” Sotto na ipinanganak ni Pauleen noong Nobyembre 6, 2017.


Photo Credits: Pauleen Luna-Sotto |Instagram

Malaki man ang agwat ng edad nina Pauleen at Vic Sotto ay hindi naman ito naging hadlang upang magkaroon sila ng isang masaya at buong pamilya.