Neri Naig, Sinagot ang Tanong ng Netizens na kung Siya naba ang Bumubuhay Ngayon sa Asawang si Chito Miranda

Kamakailan nga lamang ay ibinahagi ng tinaguriang wais na misis na si Neri Naig sa kanyang socmed ang plano nila ng kanyang asawang si Chito Miranda na magpagawa ng farm, sa napundar niyang lupa sa Alfonso, Cavite. Ayon sa dating aktres na ngayon ay isa na ngang matagumpay na negosyante ay napagkasunduan nila ng kanyang asawa na doon muna mamalagi habang mayroon pang pandemya.

Dagdag pa niya, ang layunin niya sa pagtira roon ay upang mas maging healthy pa ang pamumuhay ng kanyang pamilya.

“Miranda’s Farm House… soon!”, ani Neri.

Dagdag pa niya, “We decided na tumira na talaga sa farm dito pa rin siyempre sa Alfonso.

“Mas magiging healthy living talaga dahil magiging malaki na ang taniman ko ng mga gulayaat dito ko na rin kukunin mga vegetables na gagamitin sa pagtutuyo ko.

Ayon pa nga sa naging pagbabahagi ni Neri marami siyang naiisip na gagawin sa kanilang farm, kagaya na lamang ng pag-aalaga ng mga manok, para fresh na mga itlog ang maihahain niya araw-araw sa kanyang pamilya, at kung kakayanin pa nga ay mag-aalaga din sila ng mga baka para mayroon ding fresh milk.

Photo credits: chito miranda | IG

Sa kanilang farm din umano patitirahin ni Neri ang kanyang ina, at siyempre naglaan rin umano sila ng silid para sa mga magulang ni Chito para kung maisipan o naisin ng mga ito na bisitahin sila sa farm ay may sariling pahingahan ang mga ito.

Photo credits: chito miranda | IG

Samantala, sa naging pagbabahagi ngang ito ni Neri ay isang curios na netizen naman ang makikitang nagkomento, kung saan ay inusisa nito kung may ambag ba si Chito sa nakaplano nilang farm house. Makikita rin sa naging katanungan nito, ang naging pagtatanong nga kung si Neri na ba ang bumubuhay ngayon sa kanyang asawa.

Photo credits: chito miranda | IG

“Ikaw na po ba bumubuhay kay Chito? Or share kayo sa pagawa ng bahay? Lagi kasing ako or ko ang nasa post mo”, ang komento ng nasabing netizens.

Maayos naman itong sinagot ni Neri, at ipinaliwanag nga sa netizen kung paano sila humawak mag-asawa sa mga pinansiyal na bagay.

Ayon nga kay Neri, silang mag-asawa ay mayroong kanya-kanyang investment. Sa kanyang mister din umano siya natuto humawak ng pera.

At ngayon umano na walang masyadong gig si Chito, ay hindi ibig sabihin na ito ay umaasa sa kanya, dahil marami umanong naipundar na paupahan ang kanyang asawa at doon pa nga lamang ay buhay na buhay na ang kanilang pamilya.

“May kanya kanya kaming investments. May kanya kanya kaming pera pero sya ang nagbibigay ng monthly allowance para sa bahay.

“Kahit wala sya masyado gigs, ang dami naman niyang mga investments katulad ng mga paupahan.

“May mga townhouse at condos syang pinauupahan, dun pa lang solb na kami. Kay Chito ako natutong humawak ng pera”, ang naging pahayag nga ng dating aktres na ngayon ay isa ng entrepreneur.

Photo credits: chito miranda | IG

Makikita rin sa komento ang naging pabirong sagot ni Chito sa tanong ng netizens na;

“oo din… kasi kung wala si Neri matagal na akong patay”, ani Chito.

Photo credits: chito miranda | IG

Sa dami nga ng mga natanggap na biyaya ni Neri at mga pangarap niyang natupad sa buhay, ay ang kanyang pamilya ang naging motibasyon niya para lalo siyang magsumikap. Nagpapasalamat nga si Neri sa lahat ng mga sumusuporta sa kanya, una-una ang kanyang pamilya at siyempre ang mga taong tumatangkilik at bumibili ng kanyang mga paninda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *