“Nanood talaga ako ng UAAP para makita siya”: Rabiya Mateo, Inamin sa Publiko Kung Sino ang Kanyang Ultimate Celebrity Crush

Hindi na nagpaliguy-ligoy pa si Miss Universe Philippines 2020 title holder na si Rabiya Mateo na aminin sa publiko kung sino ang kanyang ultimate celebrity crush.

Sa isang panayam sa pageant’s skin care sponsor kasama ang kapwa Filipina na si Olivia Quido-Co, ay inamin ni Rabiya na isang young basketball star sa bansa ang kanyang celebrity crush.

Kwento nga ni Mateo, na tila ba kinikilig habang nagsasalita, para lang daw makita ang crush niyang ito, ay talagang nanonood siya ng UAAP. At diretsahang ngang pinangalanan ni Rabiya, kung sino ang mapalad na lalaking ito na kanyang celebrity crush.

Photo credits: Rabiya Mateo | IG

“Ito nakakatawa talaga ‘to.” I know nothing about basketball, pero nanood talaga ako ng UAAP para lang makita siya”,nakangiting pahayag ni Rabiya.

  1. “Kobe Paras”,pag-amin pa ng beauty queen.

Sa pagpapatuloy, ay ibinahagi ni Rabiya ang kanyang ginawang effort para lamang makita si Kobe Paras. Kahit nga raw hindi na niya naiintindihan ang nangyayari sa laro, ay hinahanap niya talaga ang number 6 jersey, ang numero ng jersey na suot ni Kobe.

“Kahit ‘di ko maintindihan ‘yung nangyayari, hinanap ko si number 6.”

Hindi naman talaga maikakaila na bukod sa magaling maglaro ng basketball, ay sadyang napakagwapo ni Kobe, idagdag pa nga rito ang kahanga-hanga nitong matangkad na pangangatawan. Walang duda kung bakit agad nitong nakuha ang pansin ni Rabiya para magustuhan at maging celebrity crush.

Samantala, sa nasabing panayam rin ay ibinahagi ni Rabiya ang kanyang planong pasukin ang mundo ng showbiz, matapos lumaban sa 69th Miss Universe pageant, kung saan ay napabilang siya sa Top 21.

At kung mabibigyan ng pagkakataong makapasok sa showbiz, ay nais niyang subukin ang kanyang kakayahan sa paggawa ng mga horror genre. Ayon kay Rabiya, ay nais niyang ma-challenge ang kanyang sarili, dahil alam niyang mahirap gawin ang manakot.

“Kasi it’s very difficult to scare people, so I’m up for that kind of challenge.”

Nang tanungin naman kung sino sa mga kilalang artista sa showbiz ang nais niyang makatrabaho, ay binanggit niya ang mga primyado at batikang artista sa larangan ng pag-arte. Ilan na nga rito sina Maricel Soriano, Vilma Santos, at ang gwapong aktor na si Dingdong Dantes.

“Marami… Maricel Soriano, ‘yung mga nasa haligi na talaga ng pelikulang Pilipino. Sino pa ba? Dingdong Dantes, Ate Vi (Vilma Santos). Mangangarap na rin lang ako tinaasan ko na.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *