Connect with us

Entertainment

Mga Cute na Larawan ng Mag-amang Bossing Vic at ni Mayor Vico noong Baby pa ito, Ibinahagi ni Coney Reyes

Ang aktor na si Vic Sotto ay tinaguriang “George Clooney of the Philippines”, kung saan maraming babae ang nahumaling sa kaniya. Ngayon ay masaya na ang buhay pamilya ni Bossing kasama ang kaniyang asawang si Pauleen Luna.

Makikita sa lumang larawan ng aktor ang kaniyang pagiging “leading man material”. Kitang-kita ang pagiging “sexy” at “smolders” ng komedyante kaya maraming kababaihan ang na-inlove sa kaniya. At isa na rito ang batikang aktres na si Conney Reyes.

Noong 1990, nang napabalitang nagkaroon ng relasyon si Vic Sotto at ang TV-host actress na si Conney Reyes. Ang kanilang naging pagsasama ay nagbunga ng anak na lalaki at ito nga si Vico Sotto. Ngunit, ang kanilang relasyon ay hindi rin nagtagal at nauuwi ito sa hiwalayan.

Kamakailan lamang, ibinahagi ni Conney ang pagbabalik tanaw kung paano niya itinaguyod ang kaniyang mga anak na sina L.A, Carla at Vico ng mag-isa. Pinost ng aktres ang larawan nila ng kaniyang mga anak noong bata pa lamang ang mga ito, kung saan ang kaniyang mga anak ang kaniyang kasa-kasama sa kaniyang mga “travel memories” noon.

Sa mga throwback photos, si Vico ay 5 taong gulang lamang kasama ang kaniyang mga kapatid nang unang beses silang nakakita ng snow. Ito rin ang kanilang naging unang biyahe abroad ang kanilang pamamasyal sa bansang Singapore. Nakarating na rin ang mag-ina sa lugar na kagaya ng New York City at China.

Maraming mga netizens ang nagtataka kung sino ng ba si Vico Sotto sa likod ng kaniyang kasikatan. Si Vico ang pangatlong anak ni Bossing Vic at ang napakabait at napaka-gwapong alkalde ngayon ng Pasig City.

Siya ay may apat pang mga kapatid sa ama na sina Danica, Oyo Boy, Paulina at Talitha. Kung saan sina Danica at Oyo Boy ay anak ni Vic sa kaniyang dating asawa na si Dina Bonnieve samantalang si Paulina ay anak niya kay Angela Luz at si Tali naman ay anak niya sa kaniyang kasalukuyang asawa na si Pauleen Luna. Kitang-kita sa magkakapatid na sila ay napaka-close sa isa’t isa at sa kanilang ama kahit na sila ay magkakaiba ng ina.

Noong nag-celebrate si Vic ng kaniyang kamakailan lamang na kaarawan ay sinikap niyang makitang magkakasama ang kaniyang mga anak. Ayon pa kay Bossing, madalas daw silang mag-family trip upang ipagdiwang ng kaniyang kaarawan kasama ang kaniyang mga anak.

Sa isang panayam kay Conney, sinabi niyang napaka “God-fearing” at “heart for the poor” ang kaniyang anak na si Vico na labis na nagmamalasakit sa kaniyang kapuwa lalo na sa mga taong mahihirap. Higit sa lahat lagi niyang ginagawa ang tama. Kahit raw minsan hindi nagtanim ng sama ng loob si Vico sa nangyaring hiwalayan ng kaniyang mga magulang.

Bukas naman ang kaniyang puso’t isipan sa nangyari sa kaniyang mga magulang at matagal na raw niya itong tinanggap. Masaya pa rin naman siya dahil nanatiling magkaibigan pa rin ang kaniyang mga magulang. Dagdag naman ni Conney, kailanman ay hindi pinabayaan ni Vic ang kaniyang resposibilidad kay Vico kaya proud siya kung kagaano naging mabuting ama si Vic Sotto sa kaniyang mga anak.

error: Content is protected !!