Megastar Sharon Cuneta, Ibinahagi na ang Kaibigang si Judy Ann Santos ang Kanyang Chef sa Loob ng Ilang Araw Upang Mapabilis ang Kanyang Paggaling

Magmula nang magkatrabaho sa pelikulang “Magkapatid” ilang taon na ang nakakaraan, ay naging malapit sa isa’t isa ang tinaguriang Megastar sa showbiz na si Sharon Cuneta at TV host-actress na si Judy Ann Santos. Magmula noon ay nabuo nga ang kanilang closeness, kung saan ay naging mag-BFF sila.

At kamakailan nga, ay ibinahagi ng Megastar na ang kanyang BFF na si Juday ang nagsilbi niyang chef para ipagluto siya upang mapabilis umano ang kanyang paggaling sa karamdaman. Hindi inilahad ni Sharon kung ano ang kanyang kondisyon sa kanyang kalusugan o karamdaman.

Photo credits: google.com

Masaya naman ang singer-actress na si Sharon, sa ibinibigay na effort ni Juday upang maipagluto siya ng masasarap at paborito niyang pagkain. Labis nga ang pasasalamat ni Sharon, dahil natitikman niya ang masarap na luto ng itinuturing niyang BFF sa industriya ng showbiz, na parang kapamilya na rin niya.

Sa Instagram ay ibinahagi ni Sharon ang ilan sa mga masasarap at paborito niyang putahe na iniluto sa kanya ng “kapatid”na si Juday. Ayon nga kay Sharon, ang mga paboritong putahe, ay mabilis raw magpagaling lalo na nga’t si Juday ang nagluto. Katulad na lamang nga ng paborito niyang chicken curry.

“Hindi po nya binebenta ito. Pero ilang araw na ako pinagluluto ng kapatid kong si Juday para daw lumakas at gumaling ako agad. Tulad ng pinakamasarap na chicken curry sa mundo na gawa nya and alam nyang paborito ko.”

Dagdag pa ni Sharon sa kanyang post, ang lahat ng paborito niyang putahe ay talagang pinagbuhusan ng effort at oras ni Juday para lamang mailuto at maipakain sa kanya upang mabuti raw ang kanyang kondisyon. Hindi rin raw pinapalampas ni Juday ang bawat sandali para makausap siya.

“Nu’ng isang araw naman champorado, arroz caldo, at lahat na yata ng paborito ko pinagbuhusan niya ng panahon at pagod para lang sa akin. Mayat-maya tine-text nya ako. Nu’ng isang araw magka-FaceTime kami”

Photo credits: google.com

Binigyang diin naman ng Megastar na hindi lamang nga magkaibigan ang turing nila ni Juday sa isa’t isa, kundi para na ring magkapamilya. Kaya naman, ang pagsuporta at pagmamahal sa isa’t isa ay talaga namang napakalalim kung saan ay handa silang magdamayan sa abot ng kanilang makakaya.

“Iba si Juday sa puso at buhay ko. Hanggang kabilang buhay magkasama at magdadamayan kami. I love you with all my heart, sis. Thank you so much for taking good care of me.”

Photo credits: google.com

Samantala, nagbigay naman ng komento si Juday sa nasabing IG post ni Sharon. Ang tanging hangad nga ni Juday para sa kanyang Ate Sharon, ay ang mabilis nitong paggaling. Nangako rin si Juday na handa niya itong alagaan, at palagi rin umano siyang nasa tabi nito.

“Feel better soon my ate… Basta kumain ka lang, I’ll take care of you kahit hanggang sa pagkain lang muna.”

“Just promise me that you will take care of yourself as well… I love you ate… I’m just here no matter what.”