Maymay Entrata Muling Kinabog ang Social Media sakanyang Angking Ganda sa mga Larawan nito Bilang Cover Girl ng Mega Magazine

Pinabilib ng PBB Lucky Season 7 Big winner na si Maymay Entrata ang kanyang mga tagahanga matapos ipamalas ang angking ganda bilang cover ng Mega Magazine.

Sa Instagram, ay ibinahagi ni Maymay ang tatlong naggagandahan at makukulay na larawan kung saan masisilayan ang kanyang angking kagandahan. At mga mga larawang ito ay para sa cover ng April issue ng Mega Magazine.

Photo credits: Maymay Entrata | IG

Hindi naman talaga nakapagtataka na mapabilang si Maymay sa magagandang dilag para maging cover ng Mega Magazine. Dahil nga, talagang taglay ni Maymay ang isang nakakabighaning kagandahan na talagang natural na natural.

Photo credits: Maymay Entrata | IG

Sa unang larawang ibinahagi ng dalaga, ay makikita ang mga salitang “color your world”, na siyang sumasalalim sa makulay at masayang karera ni Maymay sa industriya ng showbiz sa loob ng limang taon.

“In her 5th year in the industry, #MaymayEntrata picks up the brush and creates a new art piece thas is a reflection of the new Maymay. “I accepted na hindi lahat ng tao mapapasaya ko. The only ones I really need ay ‘yung mga taong tanggap ang buong pagkatao ko”,mahabang caption ng post ni Maymay sa Instagram.

“Faith-driven, confident and independent, Maymay is ready to color her own world in her own terms”,dagdag pa ni Maymay sa kanyang post.

Tunay nga na ang bagong Maymay ngayon, ay isang Maymay na confident at independent kung saan ay handa ng bigyan ng kulay ang kanyang mundo sa sarili niyang paraan.

Sa pangalawang larawan naman ay nagpapakita ng love and compassion. At para nga kay Maymay, ang pagmamahal sa kanyang sarili ay may magandang bunga, kung saan ay mas lalo pa niyang napaunlad ang kanyang sariling kakayahan sa lahat ng bagay na kanyang ginagawa.

“Love and compassion can be the catalyst to creation. #ForMaymayEntrata, gaining self-love and a renewed passion for her craft created an environment that allowed her to flourish in all things she does”.

Sa ikatlong larawan naman ay nagpapakita kung gaano kahusay si Maymay bilang isang modelo. Makikita sa pangatlong larawan ang matingkad na kulay sa suot ni Maymay. Ang nasabing larawan ay talagang hinangaan ng mga netizens na talaga namang napakaganda ni Maymay.

Caption naman sa naturang larawan ni Maymay,“Together with #Maymay modelling prowess, these designers are raring to express their art piece to the world”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *