“Mahal mag-sorry”: Mariel Rodriguez-Padilla, Ibinahagi kung Paano nga ba mag Regalo ang Isang Robin Padilla

Ang isang sweet na asawa, marahil nga ay pinapangarap rin ng maraming kababaihan. Kaya naman, napakapalad ng misis na mahal na mahal ng kanilang asawa, kung saan madalas ibigay ang nais at madalas ring makatanggap ng regalo muna sa kanilang mister.

Katulad na lamang ng maybahay ni Robin Padilla na si Mariel Rodriguez Padilla na madalas makatanggap ng regalo mula sa kanyang asawa.

Sa latest vlog niya ni Mariel, ay ipinasilip niya ang mga natanggap niyang regalo mula kay Robin sa loob ng halos 11 taong pagsasama bilang mag-asawa.

Ayon nga kay Mariel, at hindi umano mahilig mamili si Robin, kaya kung may binili man ito ay napakaespesyal nito. At sa loob ng mahabang panahon, ay marami ng natanggap na regalo si Mariel mula kay Robin, na talagang kanyang iniingatan at pinapahalagahan.

Sa bawat regalo namang natanggap ni Mariel, na ngayon nga, ay naipon na sa dami, ay may iba’t ibang klase ng mga nakakatuwang kwento kung paano siya niregaluhan ni Robin. Ngunit, paano nga ba magregalo ang isang Robin Padilla?

Muling binalikan ni Mariel ang mga regalo sa kanya ni Robin kung saan ay nagpapakita kung gaano siya kamahal ng kanyang mister. Ang kauna-unahang regalo sa kanya ni Robin ay isang Taj Mahal White Marble Tea Coffee Coaster Set, na ayon kay Mariel, ay isa sa mga materials na ginamit sa pagpapatayo ng Taj Mahal.

Photo credits: Marielle Padilla | Youtube

Ipinakita rin ni Mariel ang iba pang regalo, tulad ng damit, pabango, at alahas. Ayon pa sa celebrity mommy, sa tuwing pupunta sa ibang bansa si Robin, ay hindi raw ito pwedeng umuwi na wala itong bitbit na pasalubong. Kaya naman sa tuwing uuwi ito, ay tiyak na may dagdag na naman sa naipon niyang mga regalo.

Photo credits: Marielle Padilla | Youtube

Samantala, naggagandahan naman ang mga alahas na regalo sa kanya ni Robin. At ang isa nga rito, ay ang kanyang engagement ring na isang diamond ring. Sa bawat panganganak naman niya sa dalawa niyang anak, ay may regalo rin siya mula kay Robin. At kahit nga ang journey niya bilang breast feeding mom, ay hindi nakaligtaang bigyan ng pagpapahalaga ni Robin upang mabigyan siya ng regalo.

Photo credits: Marielle Padilla | Youtube

May iniregalo naman sa kanya si Robin, na isang bag at sapatos na binili para sa kanya ng kanyang asawa dahil nagalit raw siya. Ang sapatos na kasama ng bag ay naibenta na niya at naiwan sa kanya ang bag. Ayon kay Mariel, ay espesyal sa kanya ang bag dahil binili ito ni Robin para mag-sorry sa kanya. Nagkwento nga si Mariel, kung paano siya niregaluhan ng bag na may mamahaling halaga ng kanyang asawa. Ngunit, ayon naman kay Mariel, ay hindi na raw niya maalala kung ano nag dahilan kung bakit siya nagalit kay Robin noon.

Photo credits: Marielle Padilla | Youtube

Ibinunyag naman ni Mariel na ang bahay na tinitirhan ng kanilang pamilya ngayon, ay regalo rin sa kanya ni Robin. Ito nga ang nagsisilbing dowry noong ikinasal sila ni Robin na batid naman na ng marami na isang Islam.

Photo credits: Marielle Padilla | Youtube

Sa dami nga ng regalong ibinigay ni Robin kay Mariel, na sadyang napakaganda at mamahalin, ay wala pa ring tatalo sa pinaka-greatest gift na natanggap niya sa kanyang buhay, ang kanilang mga anak. Ang mag-asawang Robin at Mariel ay may dalawang anak na si Isabella at Gabriella na siyang nagbibigay saya at kulay sa kanilang pamilya.

Photo credits: Marielle Padilla | Youtube

Pinaka-precious gift, at hindi matutumbasan ng anumang bagay ang ipinagkaloob na pamilya kay Mariel.

Photo credits: Marielle Padilla | Youtube

Isang pamilya na punong-puno ng pagmamahal sa isa’t isa, kaya naman labis niya itong ipinagpapasalamat.

EXCLUSIVE PASILIP!!! Mga Regalo Ni Robin Sa Akin, Ano Kaya Ang The Best? [Mariel Padilla]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *