Mag-asawang Ryan at Juday may mga Nakakakilig na Mensahe para sa Isat-isa Matapos Ipagdiwang ang Kanilang 12th Wedding Anniversary

Isang espesyal na araw ang ika-28 ng Abril para sa Eat Bulaga host na si Ryan Agoncillo at misis nitong si Judy Ann Santos. Ang araw na ito, ay pagsariwa sa kanilang sumpaan at pag-iisang dibdib, dahil ngayon nga ay 12 taon na silang magkasama sa hirap at ginhawa.

Sa kanilang Instagram ay ibinahagi ng celebrity couple, ang kani-kanilang sweet na pagbati sa isa’t isa para sa pagdiriwang ng kanilang ika-12th wedding anniversary. At kalakip ng mga mensaheng punong-puno ng pagmamahal ang mga larawan na nagpapakita kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

Photo credits: google.com

Si Dabarkads Ryan, ay ibinahagi ang larawan ng kanyang misis na si Juday kung saan ay nilakipan ng caption na mula sa mga kataga ng novel ni John Green na ”The Fault in Our Stars.’

“There will come a day when all our labor has been returned to dust, and I know the sun will swallow the only earth we’ll ever have, and I am in love with you.”

Photo credits: google.com

Samantala ang TV host at aktres na si Judy Ann ay nagbahagi naman ng throwback photo na kuha sa intimate wedding ceremony nila ni Ryan. Ang nasabing larawan naman ay nilakipan ng caption na hango sa lyrics ng kanta ng APO Hiking Society na “Panalangin.”

“Panalangin ko sa habang buhay… makapiling ka, makasama ka, ‘yan ang panalangin ko… Happy 12th my love, my life, my all… I love you forever.”

Maliban naman sa naunang post na ito ni Juday, ay nagpost rin siya ng larawan na kuha naman sa simpleng pagdiriwang ng kanilang 12th wedding anniversary sa loob ng kanilang tahanan. Makikita na kasama ng mag-asawang Ryan at Juday ang kanilang tatlong anak na sina Yohan, Lucho at Luna.

Masisilayan sa mukha ng bawat isa ang masayang ngiti habang nasa kanilang harapan ang cake na nagsisilbing simbolo ng masaya nilang pagdiriwang. Nilakipan naman ito ni Juday ng caption na:

“12 years married. 16 years together. 3 wonderful kids. Forever grateful. I love you, my only love.”

Matatandaan na taong 2005 nang magsimula ang matamis na pagtitinginan nina Ryan at Juday. At pagsapit ng taong 2008, ay inalok na ng kasal ni Ryan si Juday na naganap sa isang private resort sa Dumaguete, Negros Occidental. Taong 2009 naman nang maisakaturapan ang kanilang pag-iisang dibdib sa pamamagitan ng isang pribadong kasalan na naganap sa San Juan de Nepomuceno Church sa San Juan, Batangas.