Mag-asawang Alex Gonzaga at Mikee Morada, Enjoy na Enjoy sa Kanilang Scuba Diving Lesson sa Anilao, Batangas Kasama Sina Luis Manzano at Jessy Mendiola

Napuno ng saya at tawanan ang bakasyon ng mag-asawang Alex Gonzaga at Mikee Morada sa napakagandang resort sa Anilao, Batangas. Ito nga ay dahil nakasama ng mag-asawa ang malapit na kaibigan ni Alex na si Luis Manzano at asawa nitong si Jessy Mendiola.

Credits: Alex Gonzaga | Youtube Channel

Sa vlog na ibinahagi ng komedyante at sikat na vlogger nito lamang ika-8 ng Mayo sa kanyang YouTube Channel, ay ipinasilip niya ang masayang adventure nila sa Anilao, Batangas kasama ang kanyang asawang si Mikee.

Credits: Alex Gonzaga | Youtube Channel

Sa unang bahagi ng video, ay sinabi ni Alex na matagal nang plano ng kanyang kaibigang si Luis na iimbitahan siya nito sa Batangas, at nangyari na nga ito kung saan talagang makikita na nag-enjoy sila. Ipinakita rin ni Alex ang kanyang paghahanda para sa kanilang trip sa Batangas, kung saan ay mag-sscuba diving lesson sila.

Bago naman sumabak sa scuba diving sa dagat ay tinuruan naman sila ng tamang paraan ng paghinga sa ilalim ng tubig sa pool na matatagpuan sa resort. Sa una nga ay nahihirapan si Alex, ngunit agad naman siyang natuto at siya na nga ang nagturo kay Mikee.

Credits: Alex Gonzaga | Youtube Channel

At nang handa na nga ang lahat, ay nagtungo na sila sa dagat. Makikita naman na kinakabahan si Mikee, pero pinakalma naman ito ng yakap ni Alex. Nawala naman ang pangamba ni Mikee at ni Alex nang masilayan ang ganda ng tanawin sa ilalim ng tubig. Makikita kasi ang iba’t ibang uri ng makukulay na isda at iba pang laman dagat sa ilalim ng tubig na talaga namang napakagandang pagmasdan.

Samantala, kapansin-pansin naman ang kulitan at asaran ng magkaibigang sina Alex at Luis na talagang naghatid ng saya sa mga manonood. Patunay nga nito na talagang malapit sila sa isa’t isa. Samantalang ang mag-asawang Alex at Mikee ay pinakilig naman ang kanilang mga tagahanga sa kanilang kasweetan.

Credits: Alex Gonzaga | Youtube Channel

Kinagiliwan naman ng mga tagasubaybay ni Alex ang nasabing vlog lalo na nga’t nakasama niya si Luis, na kilala rin bilang isang mahusay na komedyante. At kapag silang dalawa nga ang magkasama ay tiyak na sasakit ang tiyan sa kakatawa.

Hanggang sa pag-alis ni Alex at Mikee sa resort, ay may pahabol pang pang-aasar si Luis kay Alex.

Credits: Alex Gonzaga | Youtube Channel

Si Alex ay kilala bilang isang mahusay na aktres at komedyante sa industriya ng showbiz. Isa rin siya sa pinakasikat na vlogger sa bansa.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *