Lucy Torres Gomez, Walang Kupas ang Kagandahan Mula Noon Hanggang Ngayon, Walang Bahid ng Pagtanda

Bago pa man sumabak sa pulitika ang napakagandang asawa ni Richard Gomez na si Lucy Torres Gomez, ay nauna na niyang pinahanga sa kanyang kagandahan ang kanyang mga fans bilang isang sikat na artista sa industriya ng showbiz noon.

Ang kasalukuyang Representative ng 4th District ng Leyte, ay isa nga sa kinikilalang may pinakamagandang mukha sa mundo ng pulitika at maging sa industriya ng showbiz. Hindi naman talaga ito nakapagtataka sa kanyang napakaganda at maamong mukha na nakabihag sa puso ng Mayor ng Ormoc na si Richard Gomez.

Noong Abril 28, 1998 nang ikasal sina Lucy at Richard sa St. Peter and Paul Parish Church sa Ormoc City sa Leyte. At ang kanilang pagmamahalan ay biniyayaan ng isang napakagandang anak na babae, si Juliana Marie Beatriz T. Gomez, na ngayon ay 20 taong gulang na, kung saan ay isinilang ni Lucy noong September 8, 2000.

Photo credits: Lucy Torres Gomez | IG

Samantala, isa namang responsable at mapagmahal na asawa at ina si Lucy sa kanyang pamilya. Bilang isang asawa nga ni Richard, ay makikita na mahal na mahal nito ang kanyang asawa, at sweet na sweet parin kahit ilang taon na ang lumipas matapos ang kanilang pag-iisang dibdib.

Photo credits: Lucy Torres Gomez | IG

Photo credits: Lucy Torres Gomez | IG

Hindi naman maitatanggi ang walang kupas na kagandahan ni Lucy, na magmula noon hanggang ngayon, ay tila ba hindi nadagdagan ang edad nito na sadyang napakaganda parin. Ngayon nga na 46 taong gulang na si Lucy, ay fresh na fresh pa rin ang awra nito at mukhang dalaga pang tingnan ang mukha at katawan.

Photo credits: Lucy Torres Gomez | IG

Sadyang hinahangaan ng publiko ang walang kupas na kagandahan ng dating aktres. Minsan namang nagbahagi ng throwback photos si Lucy sa kanyang Instagram, kung saan masisilayan ang kanyang napakagandang mukha na tila ba hindi mababakas ang anumang imahe ng kanyang pagtanda.

Photo credits: Lucy Torres Gomez | IG

Sa isang larawan kung saan makikita ang selfie photo ni Lucy sa isang vintage mirror, ay marami siyang netizens na pinahanga sa taglay niyang kagandahan. Patunay nga nito ng mga salitang “ageless beauty” ay taglay ng dating aktres.

Photo credits: Lucy Torres Gomez | IG

Makikita rin ang isang larawan na kuha sa honeymoon nila ng kanyang asawang si Richard sa Switzerland, kung saan makikitang nakasuot siya ng white tank top habang nakahiga sa kama. Saad naman ni Lucy sa caption ng kanyang post, ay kuha raw ito ni Richard dahil nagustuhan raw nito ang anggulo niya sa naturang larawan.

Photo credits: Lucy Torres Gomez | IG

Maraming netizens nga ang pinahanga ni Lucy sa kanyang walang kupas na kagandahan. Ngunit, maliban rito, ay marami ring humahanga sa matibay at matatag na samahan nilang mag-asawa, na makikita naman kung gaano nila kamahal ang isa’t isa. At noong ika-28 ng Abril nga ay masaya nilang ipinagdiwang ang kanilang 23rd wedding anniversary.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *