Kim Chiu Pinagbigyan ng Isang Exclusive Tour ang kanyang mga Followers sa kanyang Kwartong Puno ng mga Designers Bag

Unang nakilala ng publiko ang aktres na si Kim Chiu matapos maging housemate ng Bahay ni Kuya sa reality talent competition na Pinoy Big Brother. At si Kim nga ang itinanghal na panalo sa first teen edition nito sa edad na 16 taong gulang noong 2006.

Ngayon nga, ay 15 taon nang nasa industriya ng showbiz si Kim kung saan ay patuloy na ipinapamalas ang kanyang talento. At sa pagsisimula ng kanyang karera at pagbabago sa kanyang buhay, ay kasabay rin nito ang pagdami ng kanyang koleksiyon ng kanyang mga mamahaling bag.

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Nito lamang ika-9 ng Mayo ay ipinasilip ni Kim sa kanyang vlog ang kanyang kahanga-hangang koleksyon ng mga mamahaling bag na may sariling silid. Sa sobrang dami ng mga bag ni Kim, ay halos mapuno na ang kanyang silid na inilaan para dito.

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Ang mga bag na ito, ay kasama na niya noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz hanggang sa kasalukuyan at 15 taon na ngang nasa pangangalaga niya.

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Ang mga ito ay bunga ng kanyang sipag, tyaga at puyat sa trabaho bilang isang mahusya na aktres sa indsutriya. Kaya nanan gaano man kamahal ang nang mabili ni Kim ang mga bag, ay deserve niya naman ito dahil mula ito sa kanyang pinaghirapan.

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Makikita naman na maayos na nakasalansan ang naggagandahan at mamahaling mga bag sa kanilang lagayan. At makikita na nakaayos ang mga ito ayon sa kanilang mga brand. Sa dami ay hindi na nga ito mabilang, at talagang inaalagan niya ito ng mabuti kung saan ay may inilagay siyang isang baso sa tubig umang mag-absorb umano ng init sa silid.

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Ilan naman sa mga brand na meron si Kim ay Gucci, CLN, Louis Vuitton, Prada, Balenciaga, Bottega, Channel for her love for Blackpink’s Jennie, Valentino, Off-White, Yves Saint Laurent, Belladonna, Burberry, Fendi, Tory Burch, Givenchy, and Christian Dior.

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Ibinahagi naman ni Kim ang kanyang Hermes collection tulad ng Kelly at Birkin, na ayon sa aktres ay masakit sa bulsa dahil napakamahal ng presyo nito.

Ipinakita rin ni Kim ang Hermes na nilagyan ng disenyo ng kanyang iniidolong aktres sa showbiz na isa ring pintor, si Love Marie na kilala ng lahat bilang si Heart Evangelista.

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Sa kanyang mga Gucci collection naman, ay ibinahagi ni Kim na may ibinigay sa kanya ang celebrity doctor na si Dr. Vicki Belo.

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Sinagot naman ni Kim ang ilang katanungan ng mga netizens para sa nasabing vlog. Ilan nga sa mga tanong ay kung alin sa kanyang mga bag ang hindi pa niya magagamit. At marami-rami pa nga sa kanyang collection ang basta na lang niya nabili at hindi pa magamit.

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

May tanong rin tungkol sa pinakamemorable niyang bag. At dito nga ay ipinakita ni Kim ang kauna-unahan niyang bag na kanyang binili na mula sa kanyang sariling pera. May mga katanungan pang sasagutin si Kim tungkol sa kanyang designer bag collection, at ito naman ay mapapanood sa part 2 ng kanyang vlog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *