Kilalanin si Angela, ang Napakagandang Anak ni Jestoni Alarcon na Isa ring Mahusay na Aktres

Si Anthony Jesus Alarcon o mas kilala bilang si Jestoni Alarcon, ay isang action star sa industriya ng showbiz magmula noong dekada ’80. Sa kanyang husay at galing ay talaga namang bumuhos ang napakaraming proyekto sa kanyang karera.

Maliban sa pagiging isang mahusay na aktor, ay pinasok rin ni Jestoni ang mundo ng pulitika kung saan, ngayon nga ay nakaupo siyang board member ng 1st District ng Rizal matapos magwagi noong 2019 elections.

Samantala, ikinasal naman siya sa kanyang asawang si Lizzette Alarcon, kung saan ang kanilang pagsasama ay biniyayaan ng tatlong anak. Hindi naman maikakaila na ang mga anak ni Jestoni, ay namana ang looks nilang mag-asawa na pawang magaganda at gwapo.

Photo credits: Angela Alarcon | IG

Isa nga sa tatlong anak niya ay ang dalagang si Angela Alarcon na sadyang napakaganda. Bukod sa namana ni Angela ang magandang katangian ni Jestoni ay sumunod rin ito sa yapak ng kanyang ama na pasukin ang mundo ng showbiz. At ngayon, ay isa na ring mahusay na aktres si Angela na ipinagmamalaki ng Kapuso Network.

Photo credits: Angela Alarcon | IG

Photo credits: Angela Alarcon | IG

Photo credits: Angela Alarcon | IG

Samantala, hahangaan naman ang magandang samahan ni Angela at Jestoni na talagang malapit sa isa’t isa. Hindi makakaila ang pagiging Daddy’s girl ng dalaga. Madalas ring mag-bonding ang mag-ama, at kadalasan nga ay ang paborito nilang sport ang kanilang bonding moments ang Korean martial art, na Taekwondo. Sa taglay na husay ni Angela sa Taekwondo, ay isa na siyang black belter holder.

Photo credits: Angela Alarcon | IG

Isang prinsesa naman ang turing ni Jestoni kay Angela. Makikita nga sa Cinderalla-themed party nito noong bata pa siya ang pagmamahal ng kanyang ama mula sa mga mata nito. Sa mabilis na paglipas ng panahon, ay lumaking isang magandang dilag si Angela.

Photo credits: Angela Alarcon | IG

Bukod naman sa taglay na kagandahan ay napakatalino rin ni Angela. Sa katunayan nga nito ay nakapagtapos siya bilang cum laude sa University of the Philippines-Diliman sa kursong Speech Communication.

Photo credits: Angela Alarcon | IG

At nang makapagtapos sa kolehiyo ay doon na nga pinasok ni Angela ang industriya ng showbiz at pumirma siya ng kontrata sa GMA Artist Center. Sa isang panayam, ay masaya at nagpasalamat naman si Jestoni dahil nakapagtapos ang kanyang anak sa pag-aaral bago pumasok sa showbiz.

“Timing naman na after graduation nakuha siya ng GMA Artist Center, so very thankful kami sa GMA na makakapag-concentrate na siya.”

Photo credits: Angela Alarcon | IG

Unang nasilayan si Angela sa action-drama series na Beautiful Justice kung saan talagang ipinamalas niya ang kanyang husay sa pag-arte.

Isa naman sa mga hobby ni Angela ay ang pag-travel sa iba’t ibang dako ng mundo. Ilan na sa kanyang mga napuntahang lugar ay Bali, Bangkok, Venice, Rome, Seoul, New York, at Las Vegas. Maliban rito, ay isa ring YouTuber si Angela at sa kanyang sariling YouTube Channel, ibinabahagi niya kanyang mga travel goals at exercise routine.

Photo credits: Angela Alarcon | IG

Maliban sa pagiging isang aktres, ay isa rin siyang modelo. Kwento naman ni Angela sa GMA News Online, ay marahil nasa media industry siya ngayon bilang isang news anchor kung hindi siya naging artista.

“Maybe I’d be a host or a news anchor. I’ve always wanted to be in front of the camera.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *