Kilalanin, mga Sikat na Celebrities na Nahilig sa Pagtatanim ng mga Gulay at Iba’t Ibang Klase ng Halaman sa Kanilang Bakuran

Sabi nga nila, “kapag may itinanim, may aanihin”. Siyang tunay para sa mga masisipag at hilig ang pagtatanim ng mga gulay at iba’t ibang klase ng halaman sa kanilang mga bakuran. At sa panahon ng quarantine, ay nasubok nga ang diskarte ng mga sikat na celebrities sa showbiz, kung paano nila maibsan ang pagkabagot, at ang ilan sa kanila ay naging libangan ang pagtatanim.

Napakalaking bagay naman talaga kapag may nakatanim na gulay sa bakuran. Anumang oras, ay pwedeng kumuha at bukod nga sa masustansiya at sariwa, ay malaking tipid rin sa pang-araw-araw na gastusin.

Kaya naman, ating kilalanin ang mga sikat na artista sa showbiz na naging libangan ang pagtatanim at ipinamalas ang pagkakaroon ng green thumb sa pagtatanim.

1. Richard Gomez

Photo credits: Richard Gomez | IG

Magmula ng manirahan sa Ormoc City, ay naging libangan na ng Mayor ng Ormoc na si Richard Gomez ang pagtatanim. Sa katunayan nga nito ay napakaraming makikitang iba’t ibang klase ng gulay at pananim sa bakuran ng kanilang bahay. At sariwang pechay mula sa bakuran ay diretsong iniluto sa kusina ni Goma. Tunay nga na “from farm to table” kapag may mga pananim na gulay sa bakuran.

2. Mylene Dizon

Photo credits: Mylene Dizon | IG

Nakahiligan ng mahusay na aktres na si Mylene Dizon kung saan ang kanyang itinatanim sa kanyang bakuran ay mga gulay at mga halamang namumunga. Hindi lamang bastang pagtatanim ang ginagawa ng aktres, dahil inaalagaan niya ring mabuti ang kanyang mga pananim gaya ng pagdidilig sa mga ito. Isa nga sa ipinakitang pagharvest ni Mylene, ay ang pagharvest ng mayabong na pechay at iba pang mga gulay.

3. Neri Naig

Photo credits: Neri Naig| IG

Marami ring nakatanim na gulay at halaman sa bakuran ng Madiskarteng Misis na si Neri Naig. Sa katunayan nga nito ay marami ang kanyang na-harvest na gulay nang minsang ibahagi niya ito sa social media. Kasama naman ni Neri ang anak nila ni Chito sa pag-aani ng mga bunga ng iba’t ibang klase ng pananim tupad ng kamatis, pechay, talong at marami pang iba.

4. Gabby Concepcion

Gabby Concepcion Experience - Amang Lobo Homestead Lobo Batangas

Ang aktor na si Gabby Concepcion ay may farm na matatagpuan sa Lobo, Batangas, ay dito niya nga ginagawa ang kanyang hilig sa pagtatanim at paghaharvest ng kanyang mga pananim. Minsan ng ibinahagi ng aktor sa kanyang Instagram account ang pag-harvest niya ng dalandan.

5. Cheska Kramer

Photo credits: Cheska Kramer | IG

Masaya naman ang aktres at modelong si Cheska Kramer na makitang malusog ang kanyang mga pananim sa bakuran ng kanilang tahanan. Ang ma-harvest nga ang bunga ng kanyang mga itinanim na iba’t ibang klase ng gulay ay nagdudulot ng saya kay Cheska.

6. Zsa Zsa Padilla

Photo credits: Zsa Zsa Padilla | IG

Ang singer at aktres na si Zsa Zsa Padilla ay talaga namang nakahiligan ang pagtatanim habang nasa Lucban sa probinsya ng Quezon. Ito nga ang farm na nabili nila ng kanyang partner na si Conrad Onglao. Minsan nang ibinahagi ni Zsa Zsa ang kanyang pagharvest ng mga gulay tulad ng talong, kamatis at kangkong.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *