Kilalanin ang Tatlong Anak na Babae ng Hollywood Star na si Sylvester Stallone, na Puro Magagandang Modelo na Ngayon

Ang Hollywood actor na si Sylvester Stallone ay hindi lamang isang batikang artista bagkus isa rin siyang kamangha-manghang ama. Ang aktor ay halos dekada na sa mundo ng pelikula, kilalang-kilala siya sa kanyang naging tanyag niyang karakter sa pelikulang Rocky. Ang pelikulang kaniyang pinagbibidahan ay pumatok sa takilya.

Ngunit ang kaniyang buhay bago ang pelikula ay hindi naging madali dahil taong 1970, nang sinikap ng aktor na buhayin ang kaniyang sarili at tinitiis na matulog sa terminal ng bus. Ang kaniyang pakikipagsapalaran ay nagkaroon ng magandang pagkakataon upang siya maging isang magaling na aktor at makilala sa buong mundo.

Photo credits: google.com

Nang 28 taong gulang lamang si Sylvester na siya ay unang ikinasal. Sa naging kaniyang unang asawa na si Sasha Czack nagkaroon sila ng dalawang anak na lalaki na sina Sage Moonblood at Seargeoh. At ang kaniyang anak na si Sage ay pumanaw sa edad na 36 taong gulang, noong 2012 dahil sa sakit nito sa puso.

Photo credits: google.com

Pagkalipas ng sampung taon ng pagsasama ang dalawa ay nagkahiwalay rin. Ikinasal muli ang aktor sa aktres at modelong si Brigitte Nielsen, ngunit nagkahiwalay rin ang dalawa makalipas ang dalawang taon. Noong 1997, nagkaroon uli ng asawa si Sylvester ito na ang ikatlo niyang asawa na si Jennifer Flavin at ngayon sila ay masayang nagsasama. Sila ay ikinasal at biniyayaan ng tatlong anak na puro babae na sina Sophia, Sistine, at Scarlet.

Photo credits: google.com

Ang tatlong mga anak na babae ng aktor ay ganap ng mga dalaga. Sila Sophia, Sistine, at Scarlet ay nagtatrabaho na bilang mga propesyonal na modelo. Sila ay nakilala dahil sa kanilang taglay na ganda at talino hindi lang dahil anak sila ng sikat na hollywood star. Mga sikat na designer clothes ang kanilang mino-modelo at sila ay maituturing ng mga sikat na modelo dahil sa kanilang napaka-gandang mukha. Sila rin ay nagawaran ng parangal sa 74th Golden Globe Awards taong 2017, sila ay kinilala bilang Miss Golden Globe.

Photo credits: google.com

Sa kanilang edad, sila ay maituturing ng matagumpay sa pinili nilang karera sa buhay. Sa katunayan, si Sophia ay naging hurado sa Project Runaway at nagkaroon ng big break sa Dolce & Gabbana ad campaign kasama ang kaniyang mga kapatid. Kahit na sila ay nagmo-modelo hindi naman nakakalimutan ng magkapatid ang kanilang pag-aaral. Si Sophia at Sistine ay pareho ng nasa kolehiyo sa University of Southern California samantalang si Scarlet ay nasa highschool pa lamang.

Photo credits: google.com

Ang magkapatid ay sobrang proud sa kanilang ama dahil lagi itong naka-suporta sa kanila. Kahit busy sila sa kanilang pagiging modelo, hindi pa rin nila nakakaligtaan ang magbigay ng oras sa kanilang pamilya. Kaya naman ang kanilang ama ay mahal na mahal sila at labis rin ang pagka-proud sa kanila.

Photo credits: google.com

Sa isang post ni Sylvester sa kaniyang social media account, kaniyang ibinahagi kung gaano siya ka-proud bilang isang ama sa kaniyang mga anak. Makikita sa isang larawang kaniyang pinost na may captiona na, “The three roses and one weed”.

At sa isa pang larawan,

“With my wonderful daughters on a magazine photo shoot that I crashed… Hey, I’ve got to keep an eye on them, right, and believe me I do…”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *