Kilalanin ang napakagandang nakakatandang kapatid ng artista at dancer na si Ms. Ella Cruz

Si Gabriela Annjane Umali Cruz o mas kilala bilang Ella Cruz ay 23 taong gulang na artista, host, modelo at isa ring dancer.


Photo Credits: Ella Cruz|Instagram

Bata pa lamang siya nang pasokin ang pag-aartista kaya naman marami narin ang nakakakilala at humahanga sa kanya ngunit mas lalo siyang nakilala dahil sa kanyang galing sa paghataw sa pagsayaw. Sa katunayan ay naging viral siya sa youtube dahil sa kanyang video kung saan sumasayaw siya ng “Twerk It Like Miley”.


Photo Credits: Ella Cruz|Instagram




Noong taong 2017, nagkaroon siya ng kanyang unang leading role sa pelikulang “Fangirl,Fanboy” kung saan naging katambalan niya si Julian Trono. Nang parehong taon rin, inilathala niya ang libro na “Jump In” sa ilalim ng VRJ Books Publishing. Sa librong ito mababasa ang kanilang mga nakalipas na mga larawan at kwento ng kanilang pag-ibig bilang loveteam na (JulianElla). Maging ang mga tula na ginawa ni Julian para sa kanya sa Twitter ay makikita rin dito.


Photo Credits: Ella Cruz|Instagram

Ngunit lingid sa ating kaalaman, ang Millennial Dance Princess ay may kapatid pala na tulad niyang napakaganda rin, ito ay si Tricia Cruz. Mayroon pa siyang ibang kapatid na sina Lana at Ethan. Ang pamilya ni Ella ay nagmula sa Angat, Bulacan.


Photo Credits: Trisha Cruz|Instagram

Bagamat ang karera ni Ella ay namamayagpag at patuloy na tinatamasa ang kanyang kasikatan ngayon, nananatili paring pribado ang buhay ng kanyang pamilya. Pero sa kabila nito ay kanga-hanga parin dahil talaga namang lumaki silang mayroong mapagmahal at napaka-supportive na pamilya.




Ang magkaptid na Ella at Tricia ay naimbitahan sa programang “Magandang Buhay”, kaya naman nagkaroon ng pagkakataon na mapanayam ang dalawa. Ayon sa magkapatid, talagang napakaclose nila sa isat-isa lalong-lalo na kung love life ang pag-uusapan. Ayon kay Tricia, bagamat thru texting sila nag-uusap, mas maayos raw niyang napapayuhan ang kapatid niyang si Ella kapag lumalapit ito sa kanya upang humingi ng advice.


Photo Credits: Trisha Cruz|Instagram
Sinabi naman ni Ella na hindi kailangang magtago ng anu pa man lalong-lalo na sa pamilya dahil sa huli pamilya parin ang matatakbuhan mo sa oras ng problema.





Photo Credits: Trisha Cruz|Instagram

Sa naganap na panayam, marami ang nakapansin kay Tricia at Ella na magkamuka ang mga ito at napakaganda rin ni Tricia na kung saan ay pwede ring pasukin ang pag-aartista sa taglay nitong ganda.


Photo Credits: Trisha Cruz|Instagram


Photo Credits: Trisha Cruz|Instagram

Sa mga nais kilalanin pa si Tricia, pwede siyang bisitahin sa kanyang social media account. Isa rin siyang vlogger kung saan may sarili siyang Youtube Channel , ito ay “Tricia Cruz”. Dito niya ibinabahagi sa mga manonood ang kanyang mga video sa online gaming, travels, fashion at iba pang bagay na kanyang ginagawa.


Photo Credits: Trisha Cruz|Instagram





Photo Credits: Trisha Cruz|Instagram

Tunay na kahanga-hanga ang pagiging malapit ng magkapatid sa isat-isa kung saan may kapatid na handang damayan at tulungan ang isat-isa sa oras ng problema.