Kilalanin ang Napaka Gwapong Rumored Boyfriend ng Aktres na si Sheryl Cruz

Si Sheryl Cruz ay kilala sa industriya ng showbiz bilang isang mahusay na aktres at isa ring kilalang singer sa bansa. Pinatunayan naman ni Sheryl ang kanyang husay sa pag-arte sa mga proyektong kanyang ginampanan at huli nga siyang napanood sa teleserye ng GMA Network na “Magkaagaw”.

Photo credits: Sheryl Cruz | IG

Samantala, matatandaan na inulan ang Instagram account ni Sheryl ng mga larawang kuha sa kanyang masayang bakasyon sa Iceland, Europe. At sa masayang travel experience niyang ito ay ibinahagi niya ang magagandang lugar na kanyang napuntahan kasama ang kanyang mga kaibigan. Ang mga post kung saan makikita ang napakagandang larawan ng Iceland ay nilakipan pa niya ng hashtags na #InspiredbyIceland at #levytravelandtours.

Photo credits: Sheryl Cruz | IG

Isa naman sa mga umagaw ng pansin ng mga netizens ay ang larawan ni Sheryl kasama ang kanyang rumored boyfriend na si Guido. Ang nasabing larawan ay ibinahagi ni Sheryl sa kanyang official Instagram account kung saan ay nilakipan naman niya ng #GuideoandMe.

Photo credits: Sheryl Cruz | IG

Makikita sa larawan na nasa loob ng isang restaurant sina Sheryl at Guido na tila masayang kumakain at nagkukwentuhan. Hindi naman maikakaila na bagay na bagay ang dalawa sa isa’t isa dahil pareho silang gwapo at maganda. Marami naman sa mga netizens ang nagtatanong kung si Guido na ba ang lalaking nagpapatibok ng kanyang puso, at ito na kaya ang makakasama niya habang buhay.

Ngunit, ayon sa isang video na ibinahagi ng Pinoy Showbiz Latest, ay sinabi umano ni Sheryl na magkaibigan lamang sila at mariing itinanggi ang kanilang relasyon ni Guido. Gayunpaman, ay hindi mawala sa mga netizens na isiping may relasyon talaga sila.

Ayon naman sa mediamass.net, naiulat umano ng Filipino SunTimes na naispatang magkasama sina Sheryl at Guido na magkasama habang nagsa-shopping at naghahanap ng mamahaling engagement ring sa isang jewelry store.

Photo credits: Sheryl Cruz | IG

May nagsasabi ring source na isang malapit na kaibigan nina Sheryl at Guido, na talagang mahal na mahal raw ng aktres ang boyfriend nito, ay nagsisimula na ring magplano para sa kanilang relasyon para sa hinaharap. Ngunit, ang bagay namang ito ay itinanggi ni Sheryl nang minsang makapanayam at tanungin kung plano na nga ba niyang magpakasal. Ang tanging kasagutan nga ni Sheryl sa tanong ay “no comment”.

Photo credits: Sheryl Cruz | IG

May ulat naman sa Manila Daily News na nagsasabing sikretong nagpakasal raw si Sheryl sa kanyang long-time partner. May usap-usapan ring balak umanong isapubliko nina Sheryl ang kanilang engagement ngunit, ang kanilang sikretong kasal ay naganap kung saan hindi nagbigay ng iba pang impormasyon kung saan ito naganap.

Matatandaan na ikinasal si Sheryl sa kanyang dating asawa na si Norman Bustos noong 1996, at tuluyang nagkahiwalay noong 2008. Ang kanilang pagsasama ay biniyayaan ng isang anak, si Ashley Nicole Cruz.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *