Kilalanin ang mga Sikat na Personalidad sa Showbiz na Nagmamay-ari ng mga Magagara at Nagmamahalang Big Bikes

Maliban sa taglay na gwapong mukha ng mga sikat na artista sa showbiz, isa rin sa talagang hahangaan sa ilang Pinoy celebrities ay ang magagarang nilang big bikes na nakakadagdag naman talaga ng puntos sa pagiging gwapo. At kapag sinabi ngang big bikes, ay hindi lamang ito basta-bastang sasakyan, dahil bukod sa napakagandang disenyo nito, ay may katumbas rin itong mamahaling halaga.

Ngunit, sino kaya sa mga kilalang personalidad sa showbiz ang nagmamay-ari ng mga big bikes? Sino sa kanila ay talagang matatawag na solo riders? At sino kaya sa kanila ang may sariling racing team? Kilalanin ang mga sikat na personalidad sa showbiz na nagmamay-ari ng magagarang big bikes at alamin kung anong klaseng big bikes ang meron sila.

1. Dingdong Dantes (Ducati Diavel Carbon)

Photo credits: Ding Dong Dantes | IG

Ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ay nakatanggap ng regalo sa kanyang misis na si Marian Rivera noong 2011. Ito nga ay isang big bike na Ducati Diavel Carbon na talagang nagustuhan niya. At sa araw ng kanilang kasal ni Marian ay talagang ito ang kanyang sinakyan.

2. Kim Atienza (BMW R50 1962)

Photo credits: Kim Atienza | IG

Ang TV host at presenter na si Kim Atienza o Kuya Kim, ay isa ring certified chopper enthusiast na malaki ang pagmamahal sa vintage na motorsiklo at scooter. Ilan nga sa maipagmamalaki sa kanyang koleksyon ay ang 1954 Lambretta F, Royal Enfield Classic 500 Dessert Storm, at white 1962 BMW R50.

3. Gab Valenciano (Ducati Panigale R)

Photo credits: Gab Valenciano | IG

Ipinagmamalaki rin ni Gab Valenciano ang kanyang pinakamamahal na Ducati Panigale R na kanyang ginagamit patungo sa kanyang trabaho, at maging sa track. Si Gab ay miyembro ng isang motorcycle club na ATAT (Any Time, All the Time).

4. Paulo Avelino (BMW R Nine T)

Photo credits: Paulo Avelino | IG

Mas lalo namang gumwapo ang aktor na si Paulo Avelino sa kanyang big bikes na BMW R Nine T, isang model na inilabas sa publiko ng BMW Motorrad noong 2017. Sa isang panayam ay sinabi ni Paulo, kung paano siyang natutulungan ng kanyang big bike sa kanyang buhay. “Riding motorbikes calms me, I get to think when I ride alone”.

5. Richard Gutierez (Ducati Paul Smart)

Photo credits: Richard Gutierez | IG

Hahangaan rin ang napakagandang Ducati Paul Smart ni Richard Gutierez na talagang namang swabeng-swabe ang dating. Isang tunay na big bike lover si Richard, sa katunayan nga nito ay may sariling racing team ang aktor, ang Rgutz Wheeltek Racing Team – sa collaboration ng 2015 Philippine Superbike champ na si Raniel Resuelo.

6. Ian Veneracion (BMW GS 1200)

Photo credits: Ian Veneracion | IG

Isang ring rider ang beteranong aktor na si Ian Veneracion na nagmamay-ari ng BMW GS 1200. Noong 2018, ay ibinunyag ng aktor na nagtungo sila sa Sagada ng kanyang anak na si Draco sakay ng kanyang magarang big bike.

7. Jay Taruc (Triumph Boneville T100)

Photo credits JayTaruc | IG

Ang broadcaster at Motorcycle Diaries host na si Jay Taruc na ngayon ay may bagong programa na Ride Ph, ay nasaksihan na nating sakay ng kanyang high-end at custom-made choppers, na Triumph Boneville T100.

8. Romnick Sarmenta (Kawasaki Versys 1000)

Photo credits @nicksarmenta | IG

Ang aktor na si Romnick Sarmenta ay may koleksyon ng big bikes na talaga namang ipinagmamalaki niya. Maliban sa kanyang Kawasaki Versys 1000, ay may pagmamay-ari rin siyang 2013 Vespa LX 150, Kawasaki W800, Harley Davidson Sportster 48, at Harley Davidson Street 750 Special Edition.

9. Ryan Agoncillo (Ducati Hyperstrada 821)

Photo credits: Ryan Agoncillo | IG

Ang pinakapaborito naman ni Dabarkads Ryan Agoncillo ay ang Ducati Hyperstrada 821. Ngunit, maliban rito ay mayroon rin siyang Brap Pack tulad ng iba pang celebrities gaya nina Drew Arellano, Jericho Rosales at Paolo Abrera.

10. Billy Crawford (MV Augusta Dragster 800 RR Pirelli)

Photo credits: Billy Crawford | IG

Ang TV host na si Billy Crawford ay masugid na tagahanga rin ng mga big bikes. At ang bagong bili lamang ni Billy bilang Christmas gift sa kanyang sarili noong nakaraang taon ay isang limited edition na Dragster 800 RR Pirelli mula MV Augusta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *