Kilalanin ang mga Sikat na Childstar Noong Dekada 90 na Ipinamalas rin ang Talento at Galing sa Pag-ganap Bilang Ina On Screen at Off Screen

Napakasarap balikan ang panahon noong dekada 90 na kung saan ay usong-uso ang mga pambatang palabas sa telebisyon. At kung isa ka sa mga naging tagahanga ng mga palabas tulad ng Esmyuskee, Eh Kasi Bata, Ang TV, ang movie na Sarah, Ang Munting Prinsesa, ay tiyak na isa kang batang 90’s. Maliban naman sa mga pambatang palabas sa telebisyon, isa rin sa tatak ng batang 90’s ay ang mga pormang Victorian era-style sa kabila ng napakainit na panahon sa Pilipinas.

Marami rin tayong hinangaang mga child star noon na pagdating sa husay sa pag-arte ay kinabiliban. Sila nga ang mga sikat na child star noon na nagkaroon ng matagumpay na buhay ngayon, na gumanap ring mga magulang on and off screen.

1. Judy Ann Santos

Noong taong 1988, nang unang masaksihan ng marami ang husay sa pag-arte ng aktres na si Judy Ann Santos sa kanyang pagganap sa Ula, Ang Batang Gubat.

Photo credits: google.com

Mas lalo naman siyang nakilala at ipinamalas ang natatangi niyang husay sa pagganap bilang Mara sa teleseryeng Mara,Clara.

Photo credits: google.com

Dahil nga sa kanyang husay sa pag-arte, binansagan siyang drama princess. Inulan nga ng napakaraming proyekto ang kanyang karera mapapelikula man o telebisyon. Sa kanyang husay, ay ilang ulit rin siyang nagkami ng parangal bilang best actress. Napangasawa naman ni Juday ang aktor at TV host na si Ryan Agoncillo kung saan ay biniyayaan sila ng tatlong anak, sina Yohan, Lucio at Luna.

Photo credits: google.com

Hindi lamang ina sa tunay na buhay ang papel ni Juday, dahil maging on screen ay gumanap na rin siyang nanay sa pelikulang Sabel.

2. Claudine Barretto

Ang Optimum star na si Claudine Barretto, ay isa naman siya pinakasikat na aktres na may magandang mukha noong dekada 90. Napakahusay rin ni Claudine pagdating sa pag-arte, mapa-teleserye man o pelikula. Gumanap siya bilang anak ni Dolphy sa TV sitcom Home Along Da Riles.

Photo credits: google.com

Nagpakitang naman siya ng kanyang talento sa teleserye Mula sa Puso, at gumanap rin bilang sirena sa TV series Marina.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Sa buhay ay isa namang butihing ina si Claudine sa kanyang dalawang anak sa dating asawang aktor na si Raymart Santiago na kung saan ay ipinaglaban pa niya ang costudy ng mga ito.

Photo credits: google.com

Huling napanood si Claudine sa short-lived GMA fantaserye na Iglot, kung saan gumanap siya bilang Mariella, ina na hinahanap ang kanyang nawawalang anak.

3. Angelu De Leon

Isa rin sa pinakasikat na aktres noong si Angelu De Leon. Nagsimula ang karera ni Angelu sa Ang TV, ngunit nakamit ang kasikatan bilang Peachy sa T.G.I.S. kung saan nakatambalan niya ang aktor na si Bobby Andrews.

Photo credits: google.com

Sa ngayon, ay isang masayang ilaw ng tahanan si Angelu sa kanyang pamilya. Napangasawa niya si Wowie Rivera kung saan mayroon silang isang anak si Rafa.

Samantalang may dalawa namang anak si Angelu sa kanyang naunang nakarelasyon sina Nicole at Louie.

Photo credits: google.com

Naging isa ring ina si Angelu sa telebisyon nang gumanap sa Magpakailanman bilang inang mananampalataya ni Sto. Niño.

4. Camille Prats

Sa classic children movie na Sarah, Ang Munting Prinsesa nakilala at sumikat ang child star na si Camille Prats. At ngayon, ay isa na siyang mapagmahal at responsableng ina sa kanyang mga anak.

Photo credits: google.com

Sa unang asawa ay nagkaroon siya ng isang anak, si Nathan. Sa pangalawang asawa na si VJ Yambao ay nagkaroon naman sila ng dalawang anak.

Photo credits: google.com

Gumanap naman siyang ina sa Maalaala Mo Kaya, bilang real-life version ng YouTube sensation Elevator Girl na nagsusumikap sa buhay para buhayin ang pamilya.

5. Jolina Magdangal

Unang nasilayan si Jolina sa Ang TV kung saan ipinamalas niya ang kanyang husay sa pag-awit.

Photo credits: google.com

Pinalikig naman ni Jolina sa tambalan nila ng aktor na si Marvin Agustin sa Gimik kung saan gumanap siya bilang SC. Sa ngayon, ay may dalawang anak na sila ng kanyang asawang si Mark Escueta, sina Pele at Vika.

Photo credits: google.com

Sa primtime series na Mundo Mo’y Akin, ay gumanap siya bilang ina ng karakter ng aktor na si Alden Richards.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *