Kilalanin ang mga Sikat na Celebrities na Naeenjoy ang Vlogging Kasama ang Kanilang mga Kapatid

Napakalawak naman talaga ng sakop ng online world. At ngayong panahon ng pandemya, ay halos umiikot na ang mundo natin sa internet. Nalilibang ang marami sa atin sa iba’t ibang social media platforms, at online video platforms.

At isa nga sa hilig ng marami ngayon, ay ang manood ng mga nakakaaliw na videos sa YouTube. Dahil nga talagang patok ang YouTube ngayon, ay marami na rin sa mga sikat na celebrities ang pinasok ang mundo ng vlogging at gumawa ng kanilang sariling YouTube channel, kung saan ibinahagi ang kanilang mga nakakaaliw na videos. Marami na nga ang mga sikat na celebrities ang naging vlogger na rin para maghatid ng saya sa kanilang mga tagahanga.

Masarap at masaya naman talagang mag-vlogging kapag kasama ang pamilya. Ito rin kasi ang magsisilbi nilang bonding moments sa loob ng kanilang tahanan. Kilalanin ang mga sikat na celebrities na naeenjoy ang vlogging kasama ang kanilang kapatid.

1. Ivana Alawi

Ang aktres at vlogger na si Ivana Alawi, ay isa sa pinakasikat na vlogger sa bansa. Ang kanyang YouTube Channel sa ngayon ay mayroon ng 13.1 Million subscribers.

Photo credits: google.com

Patunay lamang nito na marami ang nagmamahal at sumusuporta kay Ivana. Samantala, palagi namang masaya at makulay ang mga vlogs ni Ivana dahil kasama niya ang kanyang pamilya, ang kanyang Mama Alawi at dalawang kapatid na sina Hashim at Mona.

Photo credits: google.com

2. Enrique Gil

Ang aktor na si Enrique Gil, ay gumawa na rin ng kanyang sariling YouTube upang maghatid ng updates at mapasaya ang kanyang mga tagahanga. Kasama ni Enrique sa kanyang YouTube Channel na “The Gil Side” ang kanyang kapatid na si Andie kung saan ay madalas sila gumawa ng mga nakakaaliw na videos. Ilan sa mga ito ay mga games and challenges, travel ng kanilang pamilya at maging bonding moments ng kanilang pamilya.

Photo credits: google.com

Minsan ring nakakasama nina Enrique sa vlog ang kanyang Mommy Bambi at girlfriend niyang si Liza Soberano.

Photo credits: google.com

3. Andrea Brillantes

Hindi lamang sa teleseryeng “Wag Kang Mangamba”,ipinapamalas ni Andrea Brillantes ang kanyang masayahin at makulit na personality. Dahil sa kanyang mga nakakaaliw na videos sa kanyang YouTube Channel na may 3.17 million subscribers, ay nagbibigay rin ng saya si Andrea. Nakakasama rin ni Andrea sa kanyang vlogs ang kanyang pamilya tulad na lamang ng kanilang lola, Mommy Belle at mga kapatid na sina Nina, Kenneth at Kayla. Ngunit, ang madalas talaga niyang kasama sa kanyang mga vlogs ay ang kanyang Ate Kayla na laging nakasuporta sa kanya.

Photo credits: google.com

4. Kim Chiu

Ang It’s Showtime host na si Kim Chiu ay isinasama rin ang kanyang pamilya sa kanyang mga nakakaaliw na videos. Ang YouTube channel ni Kim ngayon, ay may 2.29 Million subscribers na at patuloy pang dumarami ang tumatangkilik ng kanyang mga video. Kasama ni Kim ang kanyang mga kapatid na sina Lakam, William, Twinkle, at JP, at maging kanyang mga pamangkin na talagang nakasuporta sa kanya.

Photo credits: google.com

Ilan sa kanilang mga vlog content ay masayang okasyon ng kanilang pamilya, bakasyon sa magagandang lugar, at masayang bonding moments ng kanilang pamilya.

5. Enchong Dee

Ang aktor na si Enchong Dee ay may 566K subscribers sa kanyang YouTube channel. Hilig ni Enchong ang gumawa ng mga videos kasama ang kanyang mga kaibigan sa showbiz.

Photo credits: google.com

Ngunit, nakakasama rin niya ang kanyang mga kapatid sa kanyang vlog. Maliban nga sa kanyang aktor at modelong kapatid na si AJ, ay nakasama na rin niya sina Angelica at Ice kung saan ay nakabonding niya sa kanyang vlog.

6. Toni and Alex Gonzaga

Ang magkapatid na sina Alex at Toni Gonzaga, ay hindi lamang mahuhusay na aktres at host, kundi kilala na ring vlogger sa bansa. Si Alex na nagsimulang mag-vlog noong 2017, ngayon ay may 10.5 million subscribers na sa kanyang Youtube channel.

Photo credits: google.com

Madalas namang isama ni Alex ang kanyang pamilya sa kanyang mga vlogs na talaga namang nakakaaliw tulad nina Mommy Pinty at Daddy Bonoy. Samantalang si Toni naman ay 2019 ginawa ang kanyang YouTube channel kung saan ipinapasilip niya ang kanyang masayang buhay bilang isang ina. Lalo namang nakilala ang kanyang YouTube channel matapos niya itong gawing online talk show upang magbigay inspirasyon sa kanyang mga manonood.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *