Sila ang mga Pinoy Celebrities na Kinilala Bilang may Pinakamaraming Anak sa Iba’t-ibang Babaeng kanilang Nakarelasyon

Mas masaya naman talaga kung mas marami. Ito nga ang kilalang kasabihan na “the more, the merrier”, na talagang totoo sa kahit anong sitwasyon ng buhay. Ngunit, tila nga ang kasabihang ito, ay naging kataga na rin ng ilang mga lalaki pagdating sa pagpaparami ng lahi.

Hindi naman na bago sa lipunang ating ginagalawan ang magkaroon ng maraming anak na mula sa iba’t ibang babae. At ilan nga sa mga Pinoy celebrities sa showbiz, ay nagkaroon ng napakaraming anak, bagay nga para dumami ng dumami ang kanilang lahi.

Ating kilalanin ang mga kilalang pinoy celebrities sa showbiz na may pinakamaraming anak sa iba’t ibang babae.

Jay Manalo

Credits: Image from Google

Ang aktor na si Jay Manalo ay isinilang noong January 30, 1973. Sa ngayon ay 48 taong gulang na ang mahusay na aktor. Hindi naman ipinagkakaila ng aktor na nagkaroom siya ng 11 na mga anak mula sa 6 na babaeng kanyang nakarelasyon.

Christopher de Leon

Credits: Image from Google

Unang napangasawa ng aktor na si Christopher de Leon si Nora Aunor kung saan ay nagkaroon sila ng 5 anak. Matapos nang paghihiwalay ng dalawa ay muling nag-asawa si Christopher. Ito si Sandy Andolong kung saan nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng 5 anak. Sa kabuuan ay may 10 anak si Christopher.

Gardo Versoza

Credits: Image from Google

Minsan nang inamin ng aktor na si Gardo Versoza na nagkaroon siya ng 10 anak mula sa iba’t ibang babae. At ang mga ito ay hindi pa nakikita. Sa ngayon, ay masayang namumuhay si Gardo sa piling ng kanyang asawa na si Ivy Vicencio kung saan ay may isa silang anak, si Diety Uziel.

Joseph Estrada

Credits: Image from Google

Ang dating Pangulo ng Pilipinas na si Joseph Estrada ay nagkaroon ng 12 na mga anak sa iba’t ibang babae. Sa kanyang asawa na si Dr. Luisa Pimentel ay nagkaroon siya ng 3 anak, sina Sen. Jose (Jinggoy), Jacqueline, at Jude. Ang iba pa niyang anak ay mula naman sa mga babaeng kanyang nakarelasyon.

Dolphy Quizon

Credits: Image from Google

Ang King of Comedy na si Dolphy Quizon ay nagkaroon ng 18 na mga anak sa 6 na babaeng kanyang nakarelasyon. May 6 siyang anak sa dating aktres na si Engracia Dominguez, 4 naman kay Gloria Smith. Nagkaanak rin siya ng 4 kay Pamela Ponti. May isa naman siyang anak kay Evangeline Tagulao, si Rommel. Noong 1984, ay nagkaroon siya ng anak kay Alma Moreno, si Vandolph. Sa kanyang long-time partner Zsa Zsa Padilla, ay nagkaroon siya ng isang anak si Zia, at isang adopted si Nicole.

Ramon Revilla Sr.

Credits: Image from Google

Ang former actor-politician na si Ramon Revilla Sr. ay ama sa kanyang 72 na mga anak mula sa 16 na iba’t ibang babae. Ngunit, sa mga anak niya ay 38 lamang ang kanyang kinikilala at nagdadala ng kanyang pangalan.

Lou Salvador Sr.

Credits: Image from Google

Credits: Image from Google

Ang dating basketball player na si Lou Salvador Sr. ay nagkaroon ng 102 na anak sa 49 na iba’t ibang babae. Ilan sa mga anak ni Lou ay sina Alona Alegre, Leroy Salvador, Mina Aragon, Phillip Salvador, Ross Rival, Juan Miguel Salvador, Emil Salvador, at Jumbo Salvador.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *